Wednesday, December 30, 2009

no doubling back. :)

Saturday, December 26, 2009

ube christmas!

eto na ata ang pinaka masaya naming pasko. ^^
wala masyadong handa pero lahat ng niluto masarap!
salamat sa caldereta ni mama na laging mabenta!
pati na rin yung crema na halos sirain yung tyan ko dahil sa alang tigil na pagkain. haha.
sa fruit salad ni lola na itsura pa lang e mapapaatras ka na. masarap na, sing tigas pa ng semento dahil sa pagkaka freeze. XD
sa barbecue ni tita cha ni sinunog ng mga pinsan ko. haha.
sa spaghetting napaka dami. :)
sa mga softdrinks na sagot ni tita jing.
sa cake na sponsored by insan kuku. labyu men! ^^
sa kaning alam ko pinagtyagaang lutuin ng kapatid ko sa kahoy. :) long live kapatid. haha.
pati na rin sa iba pang pagkain na hindi ko na maalala kung ano pa kayo. salamat sa pagsasakripisyo ninyo na magpakain. XD



salamat na rin sa pinsan kong uber kukulit!
kay charie ann joy na mahilig sumayaw ng sayaw naghahanap buhay. panalo! XD
kay kuya kuku at sa kapatid niyang pinaos ako sa kakasigaw dahil sa kanilang walang katulad na sayaw. grabe. hindi pa ako sumigaw ng ganun ka tindi a. XD
sa dalawa kong kapatid na nagpakitang gilas. ayus yan. gagaling sumayaw. sana sa pagsasaing naman kayo gumaling next time para wala ng dark tutong. oks?
salamat na rin kay kuya john sa pagpapaikot ng tagay nila ng the bar.
gusto ko sanang makiinom kaya lagn hindi talaga kaya ng powers ko. pramis. XD weak sa alak e.
sa lolo ko nga pala. salamat sa napaka bilis na pag uwi at hindi na tayo nakapag simba. haha. next year uli a. XD
kay lola ko na wiling wili sa pagtawa. ^^ ang cute mo lola pag masaya. pramis! :P
sa mama ko na ever matyaga sa mga ganung okasyon. labyu ma! ^^

isa sa pinaka cool is yung mga picture taking. haha.
lalo na yug mga family pic. :)





sobrang saya. ^^
sa sobrang enjoy ng gabi, naiwan namin ang susi ng bahay sa kapatid ko na hindi sumama samin sa paguwi. haha. cool. kaya ayun inantay pa namin maihatid yung susi from kapitangan. o_O

merry christmas world! :)
happy~

superM. ^^

carolling!

after 7 long nights of singing "sa may bahay ang aming bati" a hundred times in front of different houses ayun, we made it! nakaipon na kami ng fund for our up coming feeding program which is again moved on january 3 2010.

it was an amazing experience. :)
we heard different reactions from different people.
pero oks lang. haha. they dont make us a better person anyway. :P

i was assigned to be the leader sa 3rd night ng pangangaroling. birthday din ni kuya jak yun (bf ni ate). hindi ko ineexpect na hindi pala ganun ka dali ang manguna sa ganun.

8:00 am nagstart na ko.
1 hour muna ng pag tanga sa bahay. so 9 na pala. haha
konting linis lang muna sa bahay and natapos din sa wakas by 10:30.

10:30 din usapan namin ni kuya jak para pumunta sa baranggay hall. manghihingi muna kasi kami ng permit sa captain B. ayus to madaliang ligo at bihis e lumipad na ko para makapagpaprint at magpaxerox sa mahal na xerox machine at bumili ng sobre na piso ang isa.

pagdating sa baranggay hall. ayun. kinain na dun yung time namin. daming tanong. cheverloo cheverloo. ang ending inabot muna kami ng halos isa't kalahating oras bago nakatapos.

namigay na kami agad ng letter. mahirap pala dahil madami nga ang bahay malas lang at doble ang taas ng mga bakod nila. parang kailangan muna ng hagdan bago ka makadaan dun. luckily nakapamigay naman kami ng 15 na sobre. hindi na masama.

4pm ang naiset ko na call time. cool! alang dumating ng 4 kahit isa. lahat 5 na nagsidating. yung iba uber late pa. buti to the rescue si superman at dumating kaya lang late din. XD hindi siya nakasama dahil rumampa muna siya somewhere sa manila.

the carolling went well. sobrang enjoy. :) nakapagbonding din ng bongga. ^^ nakakapagod but still it was unforgettable. :)

after a long time noon lang uli ako nakapangaroling. sana next year ulit. :)

thank you! thak you! ang babait ninyo! thank you! ^^


Thursday, December 17, 2009

contented

it's been a very busy day but very happy as well. ^^

i met a guy named mondi who is very friendly and heart warming last Saturday in the our leadership seminar at YeaMalolos office.
how i hope a lot more people is like him. :)

he knows how to play the guitar, knows how to sing and dance... knows how to eat spicy pancit canton and knows a little of everything. haha.

we walk home tonight and darn it was so tiring but luckily boredom doesn't win over us. haha. maybe because he's superman. ^^

hope to know him better and have a long and adventurous friendship with him. :P

well as of now i'm trying my hardest to run faster than i can before to win over him. i challenged a "marathon" with him last night while walking to the next house where we'll sing our very own "sa may bahay" carolling. i did not expected him to be so faaaaaaaasssst in running.

"ang liit liit mo napakabilis mong tumakbo!"

hahaha. o well it was very cool running at a street which i'm not familiar. :P

time's up! gotta go. :)

Monday, December 14, 2009

reflect~

grow up.
you'll die soon if you just keep on growing old.
believe me.

reflect and know your status now.

i love my self better than before.

Tuesday, December 8, 2009


i kinda miss the feeling of being really happy~
the happiness that I'm sure will lead me to contentment. ^^

ikaw at ang pamimilian kapalit ng longsleeve na wala

some call it arrogant
i call it confidant
you decide when you find
on what i'm working with~

ewan ko ba. pero hindi pa naman ako nagduda ng ganito.
sorry naman. hindi sa wala akong tiwala sayo.
wala lang siguro akong bilib na posibleng magkaroon ako ng tulad ng mga sinasabi mo.

ok. dami ko na atang nasabi.
ramdam ko na hindi na tayo tulad ng dati.
normal yun syempre.
kaya eto. para sayo na lang yung kanta.

walang malalim na dahilan kundi dahil sa gusto ko lang na kanta ko yan para sayo
dahil mahilig ka din naman bigyan ako ng mga kantang hindi ko naman alam kung san galing pero gusto ko lahat yun. salamat!

hoy namimiss ko na yung dati. maniwala ka.

pero oks lang kung ganto na. ^^

wala naman akong pamimilian dahil ayaw mo ng exam na multiple choice
gaya ng ayaw mo sa pagkkwento ko tungkol sa pagfflair ko. :P

anyway~ salamat sayo dahil maliban kay kuya june ay inspirasyon ko ang tulad mo na nagmamahal ng totoo sa bayan.

oo nga pala. bago ko makalimutan. gusto kong sabihin na aprubado sakin si J para sayo. pramis. ^^ naiintidihan ka nya at ganun din naman siya sayo.
hindi ko sinasabing magmadali ka papunta sa kanya kundi yun lang ang gusto kong sabihin. haha.

pipilitin kong hindi na maging sobrang kulit at daldal dahil natuto akong makinig sa batang mas madaldal pa sakin. haha. o siya! salamat tatay pendong!

pwede pa rin akong tumulong sa paghahanap mo ng longsleeve na hindi naman pala nakikita sa mga lugar na pinuntahan natin. ^^

ja!

Sunday, December 6, 2009

arvis, fries, fraud at kapatid~

ang lahat ng tanong sa buhay ng tao ay nasasagot lang ng oo at hindi.
pero nang tanungin mo ako ng tanong na hindi ko inaasahan, nakalimutan ko ata kung anong silbi ng dalawang salitang na nabanggit.

hindi ka nakatingin sa mga mata ko nang tanungin mo ako.
sa kung saan ka nakatingin habang nakangiti ng alangan.
ako? natulala. kunot ulit ang mga kilay na parang nakikipag usap sa indianong hindi ko maintindihan ang sinasabi.

iyo nga ata talaga ang mundo. pati mundo ko gusto mong gawing teritoryo.
nakakatawa na sa kahit na sa mga ganung pagkakataon napapatunayan mo na iyo ang mundo dahil pati ang mga karatig parang ayaw muna akong paalisin sa tabi mo.

ok lang. hindi naman ako takot sayo.
iniisip ko lang. pagkatapos ng mga nasabi mo
ano nang mangyayari satin?
ano nang mangyayari sa'yo na mahilig pa rin sa ulan?
sa akin na mahalaga pa rin si stitch?
at sa atin na panay tawa lang kapag magkasama?

umuwi ako habang inaawat ang magkasalubong na rally sa isip ko.
inaawat sila at sinabing "teka! wag na kayong sumabay! hindi pa ako bayad sa jeep!"
pag uwi sa bahay hindi agad ako nakapag text dahil hindi ko alam ang sasabihin.
hindi ko rin sigurado kung nakikipag laro lang uli ang batang mahilig sa ulan.

"pag sakay mo sa jeep na yan, kalimutan mo na ako."

ganun na lang ba?
ganun ba kadali?
naiinis lang ako. pero hindi bale. sigurado akong hindi naman kami mauuwi sa ganun.
ayoko munang makipagrelasyon pero ayoko namang mawalan ng pinagkakatiwalaan.

walang choice tulad ng lagi mong ginagawa.

gulung gulo ako. badtrip! me pagka imba ka din pala naisip ko.

pero naging ayos din ang lahat ng makausap ka. nauwi tayo sa tulad ng dati.
sa dati na komportable lang ang lahat.
sa dati na hindi ko kailang isiping may mas malalim pa sa atin.
sa dati na ang tawag mo sa akin ay kulot na ibabalik ko naman sa sigaw na kalbo!

gusto ko na muna sa ganito.
ikaw na mismo ang nagsabi.
naaalala mo pa ba?

pwede bang dahan dahan lang muna?

oo naman. mas gusto ko yun.

unahin na muna natin ang padating na feeding program na kahit pano'y parang natupad na pangarap ko na.

Monday, November 30, 2009

tsk. ayoko ng nakikita lang ng mata.

malawak ang isip ng kahit sino.hindi mo pwedeng sukatin at lalong hindi pwedeng harangin.
ang ilan ay hindi ko talaga mabasa ng kasing dali ng sa abakada.
mahirap tuloy isipin kung sino ka sa harap ko at ng iba.

huwag mo kong linlangin dahil malapit ka ng tangayin ng hangin.
kaya't huwag mo kong titigan at baka kita mabalatan.

sino ka ba talaga? para kang problema.
may solusyon na hindi nakikita ng isang lingon lang.
hindi na ako agad maniniwala, tama na.
dahil ayoko ng nakikita lang ng mga mata.

para kay pendong.

~ry

Sunday, November 22, 2009

~

too tired to read.
nakakasawang magmukang masama. *____*

Saturday, November 21, 2009

para kay b

kasalukuyan kong binabasa. :)

maganda.
simple.
mabilis.
madaling basahin.

salamat sa taong nangingitlog sa pagpapahiram sa akin nito. :)

ha?

hindi ko sinasadyang umabot ng ganun kahaba ang kwentong nagawa ko. sa mga magttyagang basahin, e salamat. haha. hindi pa uli ako nakakagawa ng panibagong kwento gawa ng sira ang comp namin, tamad akong magsulat at mas mabilis kasi ang isip sa kamay, wala pa rin kasi kaming prof na nagpagawa uli ng project na maikling kwento.

marami akong gusto pang isulat. mga kwentong resulta ng aking imahinasyong hinaharangan ng katamaran. ahaha. sayang lang dahil gusto ko din sana iyong ibahagi.

kung me feedback kayong maibibigay tungkol sa kwento maganda yan. ibig sabihin binasa nyo nga. haha.alam kong masyado pang amature at may kakornihang taglay ang kwento ko pero eto palang talaga ang kaya ko. yeah!

sige sige. :)

-kaibigan ni mr. yoso (ahaha)

madamong langit

Puro pawis ang likod ni Jolo, butil-butil na tumutulo sa kanyang leeg at nuo. Ikinulong na naman niya ang kanyang sarili sa maliit na kwadradong kwarto na napupuno ng manipis na usok. Mag-aalas tres na ng umaga ngunit buhay na buhay pa rin ang labing walong taong gulang na binata. Bumubuo ng munting langit kasama ng damong tinitira.

“Jolo! Jolo!” parang sirang plakang gumising kay Jolo ang boses ng pinsang kasama sa bahay. Si Marisse na matanda lamang ng dalawang taon kay Jolo ang tumatayong gabay sa binatang ulila na sa ina ay inabandona pa ng ama. Si Jolo naman ay graduating na sa kursong Food Technology. Hindi kalayuan mula sa bahay ang eskwelahan, isang sakay lamang kaya mas pinipili niyang nasa bahay lang kapag walang klase. Simula ng magkaisip si Jolo ay hindi na niya ugali ang makitungo sa kung sinu-sino lalo na ng mawala ang ina. Tanging si Marisse lang at piling mga tao ang madalas na kausap sa ngayon. Tanghali na ngunit nasa kasarapan pa rin ng tulog si Jolo. Binabawi ang naubos na lakas sa nakaraang gabi.

“Jolo anu ba?! Wala ka bang pasok?” tinaasan na ni Marisse ang boses, umaasang bumangon na ang alaga. Kasunod ng tawag niya ay ang malakas na pagkalabog niya sa pinto ni Jolo.

“Ere na… teka…” tamad na sagot naman ni Jolo. Unti unting ibinangon ang sarili at humarap sa salamin. Mamula-mulang mata, humpak na mukha at malaking eye bags ang larawang nakita niya sa salamin. Umaalingasaw pa rin sa kwarto ang amoy ng ginawang pagsusunog ng baga at damo. Konting kusot pa ng mata ay lumabas na rin siya ng lungga.

“Anong ulam ate Marisse?” tanong ni Jolo na paderetso sa mesa.

“May cornbeef pa dyan… ewan ko lang kung mainit pa. Kanina ko pa kasi niluto iyan. Anong oras ka na naman ba natulog? Naku Jolo ah… palagi ka na lang ganyan. ‘Ala ka bang pasok?” derederetso sa pagsasalita si Marisse nang hindi namamalayang hindi na nakikinig ang kausap.

“Hoy! ‘Ala ka bang pasok?”

“Ha? Ala…” may ilang butil pa ng kanin ang tumalsik mula sa bibig ni Jolo nang sagutin ang huling tanong ng pinsan. Sarap na sarap sa kinakain.

Nakatira lamang ang mag-pinsan sa isang inuupahang apartment na bungalow type kung saan may dalawang maliit na kwarto. Kwadrado lamang at wala masyadong pasikut-sikot. Pagpasok pa lang ng pinto ay ang sala na katapat naman ang kanilang maliit na kusina na pinagigitnaan lamang ng kahoy na cabinet. Sa likod ng cabinet ay ang bilog nilang mesa na laging nasa gitna ang kalderong para sa kanila. Sa tapat ng mesa ay ang pinto ng magkaharap na kwarto ni Jolo, sa kanan malapit sa sala, at Marisse, sa kaliwa. Sa pagitan ng dalawang pinto ay ang c.r. na sakto lang ang laki para sa isang taong maliligo o magbabawas ng timbang. Tanaw mula sa bintana sa lababo ang maliit nilang bakuran kung saan naglalaba at nagsasampay ng mga damit si Marisse.

Pagpatak ng alas dos ay nag-umpisa ng mag-ayos ng sarili si Marisse para sa pang-hapong duty sa kalapit na Drug Store. Tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang katawan nang lumabas siya sa banyo patungo sa kwarto. Hindi sinasadyang natuon ang paningin ni Jolo sa mga hita ng dalaga mula sa mesa. Babad ang kanyang mga mata rito hanggang sa tuluyang makapasok si Marisse sa kwarto.

Alam ni Jolo na bahagya siyang nainitan sa nakita pero mas piniling ialis na lang ang di magandang nais.

“Jolo aalis na ako… may tocino pa diyan sa ref, pirituhin mo na lang. May kanin na dyan. Baka nga pala gabihin ako. May pupuntahan pa kasi ako pagkatapos ko magduty. ‘Wag mo na akong hintayin. Maglock ka na rin, may dala naman akong susi” Sunudsunod na bilin ni Marisse kasabay ng pagsusuot ng sapatos.

“Ate pahingi naman ako ng pangload… at tsaka pampagupit na din pala.” tugon ni Jolo. Umaasang mabigyan ng pambili ng bisyong kinaaadikan niya ng halos siyam na buwan na rin.

“Napapadalas ata yang pagloload mo ah.. pati yang pagpapagupit mo. Kakapagupit mo lang nung isang lingo di ba?”

Alangang tawa lang ang isinagot ni Jolo.

“O siya.. may two hundred sa ibabaw ng ref. Tipirin mo lang ah.” Sambit ni Marisse na noo’y hawak na ang bag at palabas na ng pinto.

Malaking ngiti naman ang gumuhit sa mukha ni Jolo na animo’y isang batang nabigyan ng pamaskong regalo na malaki pa sa kanya. Malakas na salamat ang ipinalit niya sa mapagbigay na pinsan.

“Oo nga pala… pasingawin mo nga yung kwarto mo. Iba na ang amoy e.” huling bilin ni Marisse bago tuluyang umalis.

“ah.. Oo. Ingat na lang.”

Pagkasarado ng pinto ay siya namang pasok na ni Jolo sa kanyang kwarto kung saan plano uli niyang umakyat sana sa sariling langit.

“Anak naman ng kamote… ala na?” laking pagkadismaya ng binata ng makitang puro na lang pala maliliit na paketeng walang laman ang natira sa ilalim ng kama na taguan nya ng kinahuhumalingang marijuana.

Umupo muna panandalian si Jolo sa kama at sinubukang hindi pakinggan ang tawag ng laman ngunit sa huli, nauwi rin siya sa ilalim ng tirik na araw at papunta na sa ikatlong kanto mula sa kanilang bahay. Sa kanto kung saan may iskinita para sa mga naghahanap ng panandaliang ligaya na nadadala ng damong
Dala ang dalawang daang biyaya ng pinsan at ang naipong isang daan ng nakaraang linggo, nagumpisa ng bumili si Jolo ng paboritong gulay. Hindi iniinda ang tindi ng init na bakas sa mukhang tadtad ng pawis, amoy ng basurang halos sumakop na sa makitid na daanan, sa mga batang hitik sa murahang dala ng paglalaro ng pustahan at sa mga mamang bumilog na ang mga tiyan sa katutungga ng beer at alak.

“eto lang? e teka… ang konti naman ata?!” kunot ang nuo ni Jolo nang iabot na sa kanya ang piraso ng mga paketeng may lamang kakaunting damo ni Rommel, ang supplier ng mga tulad din nyang adik.

“nalespulis yung supply ko kagabi kaya konti lang talaga meron ako ngayon. Buti na nga lang at medyo nailigtas ako ng pagtakbo e. Marami kayong pinapakain ko neto kaya talagang mahal. Law of supply and demand lang yan pare ko.”

Limang taon ng gawain ni Rommel ang ganitong negosyo. Patay malisya sa mga buhay na nasisira. Importante sa kanya ang pera na hindi niya makukuha sa trabahong mailap din sa kanya. Kapag walang trabaho, walang pera. Walang pera,walang laman ang sikmura. Ganun kasimple sa kanya ang pangangailangan kaya nauwi sa kasalukuyang negosyo. Dahilan naman para iwanan siya ng asawa at mga anak.

“tatlong daan yung bigay ko, pards…bitin to.” kaunti na lang at magdidikit na ang mga kilay ni Jolo habang tinitimbang ang kakapiranggot na bisyo.

“alam ko pero iyan lang talaga mabibigay ko.” Kinuha ni Rommel ang dalawang daan sa perang ibinigay ng customer at ibinalik ang isangdaan sa kausap.

“o eto… discount na yan tutal matagal-tagal na din kitang suki.”

Nanghihinayang man ay napalitan na rin ng konting tuwa ang nararamdaman ni Jolo dahil sa discount na hindi araw-araw nakukuha.

Lumakad na palabas ng iskinita si Jolo at umuwi para ituloy ang naudlot na solo session. Ilang hakbang pa papalapit sa bahay ay napansin na niya na may tao na naghihintay sa tapat ng bahay nila, si Alex, dalawampu’t limang taong gulang, na boyfriend at kababata ni Marisse.

“Si ate Marisse ba?” tanong ni Jolo habang patuloy sa paglalakad at paglamukos ng pakete sa bulsa. Tango naman ang isinagot ni Alex.

“e kanina pa siya umalis. May duty kasi… hindi ka ba nasabihan?” pagkasabi’y binuksan na ni Jolo ang maliit na gate na konti lang ang distansya sa mismong bahay.

“tara pasok ka muna.”

“naku hindi na. Ate mo lang naman talaga sinadya ko. May itatanong lang sana ako e…”

Kung titignan si Alex mula ulo hanggang paa ay masasabing matino siyang tao. May desentang trabaho at medyo angat sa buhay. Swerte si Marisse sa kanya at ganun din naman siya dahil sa ganda at talino ng dalaga. Sa makalawa na ang ika-5 nilang anibersaryo bilang magkasintahan, ito na rin ang hinihintay na pagkakataon ni Alex para ayain si Marisse na humarap na sa simbahan kasama siya.

“Ganun ba? Sige sabihin ko na lang kay ate…”

“Sige mauna na ako… pasensya sa abala. Tatawagan ko na lang din siguro siya.” Sagot ni Alex habang unti-unti nang lumalakad palayo, si Jolo nama’y sabik na sa pagpapalipasan ng oras.

Mula hapon hanggang sa nilamon ng dilim ang langit ay nasa kwarto lang si Jolo. Walang gutom na naramdaman dahil busog na siya sa sayang dala ng damong marya. Ala una na ng madaling araw bago siya napabagsak sa kama at natulog. Nairaos na naman ang maghapon na kargado ng marijuanang gamot. Salamat sa marya at muli siyang nakalimot. Bukas magigising ulit siya sa parehong mundo.

“tama na ‘tay!” sigaw ni Jolo nang nanlalaki ang mga mata sa amang idinadampi ng paulit-ulit ang mga kamao sa muka at katawan ng walang labang ina.

“T*ng’na ka! Bakit di mapirmi yang kalandian mo dito sa bahay ah!” paulit-ulit ding sigaw ng padre de pamilya sa asawang nagkalurayluray na sa sakit ng mga suntok na walang hinto.

“Dyusko naman. Maawa ka na! Hindi ako kaladkaring babae ano ka ba naman!!” naghalo na ang laway, luha at dugo mula sa pumutok na kilay ang muka ng ina ni Jolo. Mukha na hindi na kakikitaan ng sigla bagkus puro na pahirap.

“Sumasagot ka pa. G*go ka!” sigaw pa rin ng ama sabay bato sa asawa palayo sa kinatatayuan. Nagpunta sandali ng kusina at pagkaraa’y bumalik din agad ng may dalang kutsilyong kadalasan ay gamit ni Jolo sa paghahanda ng banana-q na inilalako ng ina kada hapon.

Nanigas ng parang bato si Jolo sa may pinto sa nakikita niya. Walang magawa kaya pinilit na lamang niya ang sarili na tumakbo palabas para humingi ng tulong. Nanginginig man ang buong katawan ay buong lakas siyang sumigaw para humingi ng saklolo sa mga kapitbahay. Dinadaig ang hiyaw, iyak, malalakas na murahan galing sa loob ng bahay.

“Tata Ando! Tata Ando! Si inay! Tulungan nyo po kami!” hindi na napigil ni Jolo ang tuluy-tuloy na pagbuhos ng luha nya. Senyales man iyon ng kahinaan, wala na syang pwedeng gawin kundi ang umiyak.

Malakas na kabog ng dibdib na lang ang naririnig ni Jolo habang tumatakbo na pabalik ng bahay kasama ang mga taong handang tumulong at ang mga tsismoso, bata man o matanda, babae at lalake. Tanging ang kaligtasan na lang ng ina ang nasa isip niya. Hindi na rin niya nabibigyan pa ng atensyon ang walang tigil na tanong ng mga kasama na akala mo’y mga reporter sa telebisyon.

“Inay!” buong lakas na sigaw ni Jolo para maipaalam sa ina na may tulong na siyang kasama para mailigtas sa halimaw na asawa. Saktong pagtungtong niya sa harap ng pinto ay ang huling indayog ng saksak ng ama sa dibdib ng kanyang ina.

Nawala sa pandinig niya ang malakas na sigaw ng mga tsismoso’t tsismosa sa eksenang nakita. Sa harap niya ay ang amang nagpupunas ng mukhang may talsik ng dugo ng asawa gamit ang itim na sandong suot. Sa ibaba naman ng lalakeng nakapatay ay ang asawa niyang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Wala ng buhay at tadtad ng saksak ang katawang lamog sa bugbog.

Walang kibong nakatayo lamang si Jolo, umiikot ang paningin na parang gusto ng himatayin. Hindi pa rin makapaniwala sa pamilyang dinatnan. Ang ama naman ay tila nahimasmasan na ng galit at pagkalasing. Dali-dali siyang tumakbo palabas, walang pakialam sa mga taong nakasaksi maging sa anak na inalisan ng ina.

Sa mga oras na yun… isa lang ang magagawa ni Jolo, ang iyakan ang bangkay ng ina…

“inaaay!!!”

Nagdilim na ang paligid at isa-isang lumabo at naglaho ang lahat.

“Jolo! Jolo!” malakas na pagtawag ni Marisse kay Jolo para panggising.

Umaga na naman, araw ng Sabado. Dinalaw na naman si Jolo ng panaginip na minsang nangyari sa kanya at hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tigilan. Ayaw na muna niya sanang bumangon pero alam niyang hindi na rin nya kaya pang matulog sa takot na baka balikan siya ng bangungot. Pinagiisipan na rin niya kung ikukwento pa niya sa pinsan ang napanaginipan. Hindi lingid kay Marisse ang pinagdaanan ng pinsan pero ayaw na rin naman ni Jolo mag-alala pa ito. Isasawalang bahala na lang niya tutal walong taon na rin naman ang nakalipas nang nangyari iyon.

“nagpunta nga pala kahapon si kuya Alex dito ate. Nagkausap na ba kayo?” pinilit kalimutan ni Jolo ang bumabagabag sa sarili kaya nakipagusap na lang sa pinsan habang kumakain ng tanghalian. Matagal-tagal na rin nang huli silang mag-usap dahil sa abala si Marisse sa gawaing bahay at trabaho. Si Jolo naman ay paunti-unting binabago ng bisyo.

“Ah oo... alam mo ba?! Niyaya na nya ako!” abot sa magkabilang tenga ang ngiti ni Marisse sa balitang kanina pa niya gustong ikwento kay Jolo.

“na alin?”

“ka-saaal!”

“talaga? Ayos talaga yung si kuya Alex o.. hindi man lang ako binalitaan muna…” sagot ni Jolo na nahawa na sa ngiti ng pinsang walang mapaglagyan ng saya.

“kinilig nga ako ng husto kagabi e.. hahaha.”

“ikaw talaga. Hahaha… kelan ang kasal?”

“baka sa isang taon na. medyo mabilis nga e. pano pinaghandaan na pala talaga ng husto ng mokong ang lahat.” Nakangiti pa ring sabi ni Marisse habang nakatapat sa bibig ang kutsarang puno ng kanin at ulam na isusubo.

Masaya si Jolo para sa pinsan pero andun din yung lungkot na kailangan na niyang humiwalay sa pinsan para sa lubos nitong ikaliligaya. Takot man siyang mag-isa ulit, wala siyang pagpipilian. Panahon na para ituon naman ni Marisse ang oras niya para sa sarili. Masaya siya dahil nakakita ang pinsan nya ng taong mag-aalaga talaga sa kanya hanggang sa pagtanda. Iniisip na lang niya na pwede pa naman siyang dumalaw paminsan minsan.

Natapos ang kanilang tanghalian na parehong nakangiti at maraming napagkwentuhan. Mula sa pagppropose ni Alex kay Marisse hanggang sa pagsasabi ni Marisse ng “oo”. Ipinagyabang din niya ang suot na singsing, tanda na hindi na nalalayo ang panahon na magkakaasawa na siya. Hindi nila namalayan ang oras na umusad na pala ng alas dos. Oras na para maghanda uli si Marisse para sa duty.

Bago umalis, parehong mga bilin ulit ang iniwan ni Marisse kay Jolo. Pagkaraang lumabas ni Marisse ng bahay ay nagkulong ulit si Jolo sa kanyang lungga. Gaya kahapon, parehong pinagpalipasan ng oras ang pagtira ng damo na iniisip niyang solusyon para layuan ang alaalang hindi nya matakbuhan. Naubos niya ang natitira pang pakete ng damo para makarating sa munti niyang langit. Problema na naman niya ang pambili ng pangangailangang ilegal. Lagpas alas dies ng gabi ay narinig ni Jolo na dumating na si Marisse galing trabaho. Hindi na niya ito nilabas dahil ayaw naman niyang maamoy pa siya ng pinsan at alam na rin naman niyang pagod ito sa nagdaang duty. Maya-maya lang ay narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng kwarto ni Marisse.

Malalim na ang gabi, hindi pa rin tulog si Jolo, epekto ng damong maryang nabatak. Inaalala rin ang pagkukuhanan ng perang pambili ng bisyo para sa susunod niyang session nang sumagi sa kanya na pasukin ang kwarto ng pinsan para sa kung ano mang mahalagang bagay na pwedeng maibenta.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto papuntang kwarto ni Marisse, hilo na siya at dumodoble ang paningin pero pinilit nyang kumilos ng tahimik alang-alang sa halamang sinasamba. Hindi nagkakandado ng pinto si Marisse dahil sa kumpyansang wala namang masamang pwedeng mangyari sa kanya. Binuksan ni Jolo ang pinto ng pinsan ng buong ingat at tumambad sa kanya ang pinsang natutulog na ng mahimbing, nakasuot ng terno short and spaghetti top na pantulog. Bumalik sa kanya ang pakiramdam na naramdaman niya nang minsan niyang makita ang pinsang tuwalya lang ang suot.

Nag-aagaw ang katinuan at kahibangang dala ng marijuana sa isip ni Jolo. Tawag ng laman laban sa respeto sa pinsang umampon sa kanya pagkaraan ng trahedyang napagdaanan. Nabura na sa isipan ni Jolo ang pinakay nya sa kwartong iyon. Nakababad muli ang kanyang mga mata sa mga hita ng dalagang walang kamalayan. Nilapitan ni Jolo ang kama ng pinsan ng dahan-dahan. Nag-squat sa tapat ni Marisse at unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa kaharap. Iniisip ang pagdating ng panahon na malalayo na siya kay Marisse at muling mararanasang mag-isa. Matagal siya sa ganung posisyon nang biglang naalimpungatan ang pinsang natutulog.

“Jolo?!” laking gulat ni Marisse.

Sa gulat na rin ni Jolo ang nasabi na lamang niya ay “huwag mo akong iwan.”

Pagkaraa’y pwersahan niyang hinalikan ang pinsang nagpupumiglas. Hinubad ang damit ng dalagang malapit ng ikasal gayundin ang sariling damit. Marami-raming suntok sa sikmura ang nagawa ni Jolo kay Marisse bago tuluyang nagawa ang gusto para mapagbigyan ang tawag ng laman na matagal na niyang pinagwawalang bahala.. Para bang nilamon siya ng espiritu ng marijuanang mahabang panahon na rin niyang kaulayaw.

Hirap na sa paghinga si Marisse dahil sa sakit ng katawan at sama ng loob sa pinsan pagkatapos siyang pagsamantalahan. Hindi pa rin matanggap ang nangyari na kahit sa panaginip ay hindi niya naisip. Luha lang ang kaya niyang ipakita kay Jolo na noo’y nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko at nahimasmasan na.

“Jolo…. Bakit?” Mahinang tanong ni Marisse. Bakas sa boses niya ang tindi ng lungkot at sama ng loob.

“Ayoko kasing umalis ka… ayoko lang namang mag-isa ulit e…” hindi man kita ni Marisse ang mukha ni Jolo ay alam niyang umiiyak ito na halata sa tono ng pananalita.

Patakbong lumabas si Jolo sa kwarto ng pinsan hawak ang t-shirt na kanina lang ay suot. Alam niyang wala pa ring humpay sa pag-iyak si Marisse. Alam din niyang nandidiri sa kanya ang pinsan niyang tumayo bilang nanay at tatay niya. Maging siya hindi makapaniwala sa nagawa. Hindi na niya alam ang gagawin.

Sa kwarto niya naisip lahat ng mga kamalian niya. Dahil sa nakaraang hindi natanggap, nalulon siya sa drogang umalipin sa kanya ng hindi niya namamalayan. Sinayang ang mga pagkakataon kung kailan pwede pa niyang hilahin pataas ang buhay na hinila pababa ng sariling amang alipin naman ng alak at puting bato. Makaraan ang walong taon ay wala siyang naabot kundi ang langit niya ng usok at pagkalimot. At ngayon naman… daig pa niya ang magnanakaw na kumuha ng hindi kanya. Alam niyang nasira na niya ang pagkababae ng pinsan gayundin ang tiwalang buong pusong ibinigay sa kanya. Alam din niya na habangbuhay ng makakaapekto ang ginawa niya sa nalalapit na kasal ng pinsan niya kay Alex. Sinira niya pati ang kaisa-isang bagay na magpapasaya sa pinsan niya.

Naubusan na siya ng pag-asa at napalitan ng galit at pagkamuhi sa kanyang sarili at mga nagawa. Ramdam niya na wala siyang pinagkaiba sa kanyang ama, isa na siyang walang kwentang tao na walang inisip kung hindi ang sarili. Nakapanakit ng mahal sa buhay para sa sariling kaligayahan. Wala na siyang ibang maisip kundi ang kumuha ng panulat at papel para sabihin ang nararamdaman.

Alas nuebe na ng umaga nang bumangon si Marisse sa pagkakahiga. Mabigat pa rin ang katawan at kalooban. Pinilit niyang ibinangon ang sarili at nag-ayos. Lumabas na siya ng kwarto para makausap si Jolo. Malaki man ang galit niya sa pinsan, kailangan nilang mag-usap para sa mga pagbabagong mangyayari. Kailangan kong makalayo dito. Iyon lang ang naiisip niyang solusyon.

“Jolo… buksan mo to.” Tawag ni Marisse mula sa labas ng kwarto ni Jolo.

Pinihit niya ang door knob ng pinto sa pagbabakasakaling bukas ito. Bukas. Pagpasok sa loob ng kwartong amoy matapang at sinigaang damo, nakita niya ang taong malapit sa puso niya na nakasabit sa kisame at may kumot na nakapaikot sa leeg. Nakapikit ang mga mata at hindi na humihinga.

“Dyusko po! Jolo!” mabilis na bumagsak ang mga luha ni Marisse. Kirot sa dibdib ang tanging nararamdaman habang binababa ang pinsan mula sa pagkakabigte nang may malaglag na nakaluping papel mula sa pagkakaipit nito sa kili-kili ni Jolo.

Nanginginig na ibinaba ni Marisse si Jolo para tignan ang laman ng papel na nahulog. Sa loob ng papel nakasulat;

Hindi ko sinasadya. Patawarin mo sana ako. Wala na akong matakbuhan kaya tingin ko kailangan ko na siguro magpaalam para hindi na kita masaktan pa. salamat sa lahat. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Alam ko na malaki ang galit mo ngayon sa’kin at baka pinandidirihan pa. Bagay lang sa’kin mangyari to dahil sa nagawa ko sayo… Ate Marisse… ayoko lang kasi mag-isa ulit. Alagaan mo ang sarili mo.

Jolo

“Jolo… bakit ? bakit mo nagawa to?”

Gulung-gulo pa rin si Marisse. Hindi alam ang gagawin. Pinagiisipan kung kailangan bang may makaalam ng totoong nangyari sa kanila ng pinsan o hahayaan na lang at kikimkimin? Maaawa pa ba siya o patuloy na magagalit sa pinsang tinapos ang sariling buhay?

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong bahay. Nagkalat ang mga piraso ng alaala ni Jolo, piraso ng mga pangarap ni Marisse, piraso ng mga paketeng sumira sa buhay ng batang inalipin ng nakaraan at marijuana.

Thursday, November 12, 2009

sobrang tagal ko din napahinga sa pagpopost ng kung anu-ano.
ngayon lang uli kasi ako nakasingit sa pagiinternet. :S

ayun, sobrang hussle ang nakaraang sem pero everything went well naman. Thank God for that. swerte naman at maganda naging results ng mga grades ko.
first time ko hindi magkaron ng lower than 1.75. haha. nakakatuwa dahil nasulit lahat ng efforts ko. :P

madami ring issues at kung anu-anong blabla ang nangyari netong sem na nagdaan at isa na don ay yung napaka hussle na asian civ food fest namin sa socsci subj.

sabi ni sir kung sino man ang manalo sa exhibit ay hindi na magffinal exam. since o.a siya sa pagbibigay ng exam dinibdib namin ang exhibit na to. sagot ni sir ang pagpapa cater ng food. all we need to do is to pay him P100 per student pero nagpasingil pa siya ng extra 20 dahil kulang daw ang budget. settled. payag kami para bawas alalahanin na din. i just passed 4 recipes na angkop sa country na nabunot namin which is China.

salamat kay bagyong ondoy at nagkagulu gulo ang schedule namin.
madaming kasabay yung pa"major" naming subj na to kaya hindi rin namin nabuhos lahat ng time namin for its preparation. the day before the exhibit proper is our Food Selection Function na Retro nga ang theme as i mentioned in my earlier post. The function will serve as our final exam kaya hussle din at hindi biro. hindi ganun kaganda naging feedback na nakuha namin from the judges but its packed with fun naman. ^^
pag uwi sa bahay hindi pa ako pwede matulog dahil ginawa ko naman yung mga flaglets na gagamitin namin para sa event kinabukasan. inshort hindi ko pa rin natapos dahil pagod na talaga ako. mataas pa sa akin yung hinugasan ko dun sa function e dahil sa house keeping commitee ang handle ko. no exageration. o_0

so yun na nga. the big day came at lahat kami sa section namin puyat. 6 am ang usapan pero karamihan nagsidating na ng 8am. 10 ang start ng program. good thing nagkaroon ng little problems sa program and judges kaya nabigyan pa kami ng konting time.

matindi yung mga kalaban namin. gapalasyo ang laki ng mga tent nila unlike nung samin na 10x10 feet lang ang laki. nakadagdag pa ng badtripness power ko e yung mga kaklase ko na hindi dinala yung mga ipinangako nila na madadala nila for display. but wait there's more! anak ng tinolang manok ang mga kaklase kong macho gwapito na hindi agad nakaramdam na kelangan ko ng tulong para maayusan yung tent namin.

ako ang emcee sa program tsaka yung isang taga ibang section kaya kelangan ko magmadali para makapagayos. ibinilin ko na lang muna yung pagaayos ng tent sa mga kaklase kong maaasahan. pero bago pa man ako makaalis, nadislocate ang tuhod ng kaklase ko na kasamang magppresent ng cultural dance namin. shemayness! naiyak na ko. all the hussle ang stress andun na. malas lang at iilan lang kami talagang nagtutulungan.

no turning back na. wala akong choice kung hindi pasunurin sila kahit inis na talaga. para akong aso na kelangang mag herd ng mga tuta. pagkatapos maibilin ang lahat lipad na ko para makapagprepare.

pagbalik sa school kinakabahan ako dahil wala kaming script nung co host ko. hindi rin kami magkakilala. ayos. bagong experience. it's either masaya o nakakahiya.

maganda naman ang flow ng lahat. nabuo ang tent namin at nagmukang booth.

pagdating ng pagkaing pina cater, nakakainit ng ulo. 2 potahe lang ang niluto, wala ni isa yung recipe na binigay ko. isang tray lang ng mukhang lechon at isang tray namang tofu na mukang pinagexperementohan lang at nilagyan ng pinya. badtrip! teka meron pa. yung ipinangakong free rice? isang kalderong malaki para sa 5 section na may 60 students bawat isa. ano kami manok?

120 siningil niya.
49 kami sa section namin.
5,880 ang budget para sa pagkain.
badtripness! sana kami na lang pala nagluto.
baka nakapagprepare pa kami ng pagkain para sa lahat from appetizer to dessert!
halatang kinorakot talaga kami.

awarding moment. para matabunan ang kalokohang ginawa niya, lahat daw hindi na mageexam. yung mananalo, exempted na sa long quiz. amp. sana pala naglong quiz na lang kami kesa gumastos ng halos 11,000. bongots talaga.

kahit na nagkaron kami ng aksidente sa cultural presentation, nasungkit naman namin ang second place. second din kami sa booth. cool.

pero ang pinaka nakakainit ng ulo.
nabalitaan kong napaayos na ni sir ang kanyang dating sirang sasakyan.
tae. san siya kumuha ng pampaayos? hmmm.

ayoko na siyang makita. baka ipakilala ko siya ke san pedro e.

Wednesday, November 11, 2009

mr. yoso

higit isang taon na wala pa din akong alam sa yo maliban sa isa kang nagiinernet na creature na madalas magcomment sa blog ko. hmmm.
kahit pangalan mo hindi ko alam.
hindi ko alam baka spam ka lang na marunong sumagot at magcomment.
ayos~

mananatili ka na lang na si
mr. yoso.

Tuesday, October 20, 2009

happiness at 5 pesos :)


mom and i bought 10 of this lollipop.
and i was very happy that night.
this is very cool. ^^
i want one again!

Wednesday, October 14, 2009

retro feva!



retro night na namin bukas!
haha. sana maging maayos lahat. :)

Sunday, October 11, 2009

outdoor!

kakauwi lang namin from bataan last friday. we stayed there for three days din. at first sobrang nahirapan kaming makasama dahil sa pagkakagulo ng sched due to Ondoy's visit. Oct. 8 sched ng Retro function namin sa isa naming major same date ng alis namin papuntang bataan for our outdoor pe.

hussle dahil the day before umalis papuntang bataan lang namin ng mga kaklase ko nalaman na tuloy na nga ang outdoor at namove na ng Oct 15 yung function. Ok na rin para hindi na kami mahirapang balikan pa yung pe na yun next year for completion.

unang pumasok sa isip namin ay yung mga damit namin. haha. hindi pa kami nakakapaglaba ng mga dadalhin. Anyway ok lang dahil mas madaling alalahanin na rin yun. Good thing nasettle din yung sa function. we have to pay another 1,700php nga lang for another reservation since twice na namove yung unang pagpapareserve.

on the way pa lang papauntang school excited na ako. hehe. sa uber excited ko naiwan ko tuloy yung inuminan ko. dumaan pa tuloy ako ng drugstore to buy C2 dahil wala talaga akong dalang panulak incase na mabulunan ako. haha.

i did catch attention habang naglalakad since muka akong nagalsabalutan. hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman sila kilala. :P so after buying a bottle of C2 and a pack of jellyace lumipad na ako papuntang main gate ng school kung saan yung meeting place.

bingo! ako una sa aming hrm na magkakaklase. hindi tuloy ako umakyat agad ng bus dahil no friends ako doon. sandali lang dumating na rin sila. mga muka ring hindi na uuwi.

Nalibre pa kami ni Angge ng Mcsaver ni Yves. thanks! kahit mukang pilit. haha.

nung first day panay yung ulan. muka tuloy kami mga nagevacuate. hindi rin kami agad nakapag tent pitching dahil ayaw paawat nung ulan. napasabak din kami ni angge sa bandaging contest ng wala masyadong alam. haha. out of 100 we got 55 :P

details details details. the first day doesnt went well much plus we earned a lot of demerits. salamat sa mga kapre naming mga pe classmate na nagpahuli while hitting cigars.

the 2nd day was Andre's bday. same day na sumabak naman kami sa Norwegian activity. sakit sa katawan yun. para akong binugbog ng mga maton na tanod. Later that day we cooked pancakes, kung baga yun yung handa ni dre.hehe. his cake was made of 2 lemon square cheese cake surrounded with cream o cookies. bumili lang din kami ng kandila na pangbrown out. yung maliit lang. hehe.

the night was full of laughters.namimiss ko tuloy yung tent.

3rd day uwian na. mga pagod na rin kami. Nakauwi naman kaming lahat ng buo at masaya.

masyadong hahaba kung ikkwento ko pa lahat. But isa sa hindi ko makakalimutan sa outdoor na ito is yung dalawa naming kagroup ni angge na sina Ren and Lester.(yung naka pink and yung naka gray) this 2 guys always make me laugh. walang joke nila ang hindi ka mapapangiti. :)

ayun. tapos na yung outdoor. Yung retro naman. i'm sure magiging masaya din yung. :)

Friday, October 2, 2009

Supernatural

Eye of the Tiger

so cool. haha. XD

Thursday, October 1, 2009

petiks da peys!

as of now talagang tambak kami ng mga school works.
dyaryo sa filipino
interview docu sa Hygiene
Retro function sa Food selection
Exhibit sa Socsci
Outdoor na salamat kay Ondoy e nausad ng nausad.

katatapos lang namin sa Food service competition at talo ang grupo ko.
pati yung cooking show kakatapos lang namin.

time and money consuming lahat kaya hussle tlaga.
kaya medyo naginit tlaga ulo ko kung makatanggap ako ng gm from a friend of my classmate.

eto sabi:

"... makapag hrm na nga lang. petiks lang mga tao dun."

ah ok. sarap nya hilahin sa bituka tapos irribbon ko.
loko siya.

malapit ko na matapos yung dyaryo namin.
yung docu naman nakalahati ko na.
hopefully makaraos na kami.

Wednesday, September 23, 2009

rak en rol

maraming pwedeng kainisan ang isang tao.
choice nila kung hanggang saan aabot yung inis na yun.
posible na umabot hanggang galit.

sa ngayon inis ako hindi lang sa kung sinusinong tao.
pati na rin sa mga school works. tao sa church. tao sa paligid.
pati tao na hindi ko naman madalas makita.

ngayon ko naisip na medjo inis pala ako sa tao.
medjo ironic dahil tao ako.
hindi ko lang sigurado.

hindi na bale.
sa ngayon papalipas muna ako.
tatahimik hanggang pati ako tuluyang makalimot.

hindi na importante kung galit ako sakanila
o kung galit man sila sa akin.

wala naman akong magagawa.
at may mga bagay na hindi ko naman talaga kayang i-handle.

Monday, September 14, 2009

zagu!



end na ata ng singkaban kanina sa capitol.
naginterview din kami para sa project namin sa hrm. ayun hindi pa rin tapos pero mas may patutunguhan na. :)

naginterview din kami sa isang maliit na lugawan kaya lang hindi natuloy dahil biglang nagkaron sila ng problema. hindi na namin tinanong kung ano. babalik na lang kami sa lunes ulit. ayus lang yun. nausad din naman kasi yung deadline. :)

nagzagu kami ni angge kanina. libre nya.
haha matapang at ang inilibre pa e zagu na grande.

"kaya mo bang ubusin yung grande maha?"

"aba teka. hinahamon mo ba ko? haha"

nakabalik na kami sa kapitolyo galing sa crossing kung san kami bumili ng zagu.
mauubos na yung akin, yung kanya ala pa sa kalahati.haha.
luka yun. hirap na hirap makaubos ng grande.

ayun. ok naman naging araw ko. masaya. :)

salamat kay angelica mendoza sa walang sawa niyang pagsponsor sakin ^^

Sunday, September 13, 2009

hindi sya totoo!



hahaha. powtek. me ganto ba talagang tao?
napaka puti. pagkatapos ata ng liwanag e sya na.
amp. muka syang manikin. me ganto ba talaga?
wag nyo ko linlangin!

hindi sya tao.! kathang isip sya! kathang isip! wrraaaaw!
haha. shemay. sana pala anino na lang niya ako. o kaya naman kalyo man lang. lol.




lee min ho~

hirap ng pulubi. alang panload kung kelan naman kailangan o. amp.
haha.

malas. tinanggihan kami ng mcdo. :(
ngayon hussle kami kakahanap ng pwedeng interviewhin.
h-r-m naman kasi kami.
hindi kami masscomm. XS

Saturday, September 12, 2009

filipino - dyaryo

hygiene- interview documentation

english - interview documentation
- oral comm presentation

food selection - retro function
- french service competition

socsci - chinese civilization and food exhibit

outdoor

haha. hindi ko na alam uunahin. gimme gimme more! wraaw!

Sunday, September 6, 2009

hrm

nagkaron na kami ng short training sa
tray balancing
plate stocking
proper holding of serving spoon.

masaya.hehehe. medjo dyahe lang dahil pang waiter na suot namin sa training.
3/4 na white blouse, vest, palda, black stocking.
hahaha. buong buhay ko ngayon lang ako makakapag suot nito.

ok naman naging takbo.
nung unang bitbit ko ng plates on tray ansakit sa kamay.
ambigat pala nun.
warm up lang daw yun. nasa 4th floor kami
tapos habang bitbit sa kaliwang kamay yung tray na me plato bababa kami hanggang 2nd floor.
lalakad sa corridor. tsaka aakyat uli ng 4th floor.

warm up palang hussle na.

after makapag warm up ng lahat e isang round pa ulit pero this time oorasan na kami.
at bote na ang nakalagay sa tray.
mas mahirap na sya ibalanse lalo na pagpababa ng hagdan.
mabuti na lang at wala akong nabasag.

ratio ng mga nakabasag sa mga babae at lalake e 2:5

haha. well. nagmamagaling kasi yung mga boys. :P

mas madali yung plate stocking kaya lang mabigat din.
bale 2 plato nakalagay sa kanang kamay.
isa naman sa kaliwa. pero me laman namang tubig. O_o
ganun ulit. akyat baba.

last na naming ginawa e yung sa serving spoon.
magpupulot ng bato at plastic na bulaklak (kunyari pagkain).
kaylangan maayus pagkakalagay gamit ang spoon and fork gamit ang isang kamay.
parang tong bale. mahirap din.
time ko 1 min and 30 sec.

time nung isa kong kaklase46 sec lang.
bangis. :S

mahirap pero kewl~

mcdo!








nagopen na ang mcdonald malapit sa school namin.
excited ako na kumain kasi may free id lace daw pag bumili ng mcsaver.
hahaha. ayun. salamat kay angelica mae-mae joy at nakakain ako ng
chicken fillet, fries at float. :)

botchog ako hanggang hapon. hindi kami matunawan ni angge. XD

kumuha kami ng mga pics namin. andaming tao.
alang nababakanteng upuan.



me nakatabi nga akong 2 lola, si angge naman e lolo.
halos gitgitin ako. oks lang. hahaha. hindi mo naman pwedeng sungitan kasi.

nasa likod ko lang si mcdo t natatakot ako sa muka nya. :S
gusto ko sanang magpapic kasama sya. kaya lang baka bigla ko masapak sa takot.




nakakuha kami ni angge nung id lace. kewl kaya lang medjo malayo yung itsura nung lace sa flyer kesa dun sa totoong buhay. haha.

all in all. i enjoyed that day. :)
sana me next time pa. KFC naman. haha.
sana me free laptop naman. XD

Thursday, August 27, 2009

hindi ako stop over

alam ko hindi mo to mababasa.
pero konti na lang talaga...
lulunok ka na ng sarili mong kamao.

adik ka.
ano ko? bola?

bugok.

ok na uli blog ko. haha.
salamat sa isa dyan. :)

hindi maganda araw ko ngayon. tatlong araw na kasi akong hinihika.
ayos~

bukas magdadamit waiter kami. kewl~ excited na ko. haha.
tray balancing lesson bukas. sana lang hindi ko mabasag lahat ng bote.

Wednesday, August 26, 2009

amf.

sa hindi malamang dahilan. hindi na ako makapagpost ng comment sa blog ko. adik talaga.

Saturday, August 22, 2009

PCMI

natapos na kahapon yung feeding program namin.
Enjoy! sobra. very fulfilling tsaka nakakabless talaga.

pagpunta pa lang namin sa venue may maliliit ng mga problema pero naaayos naman kahit pano.
super open minded yung mga bata dun. makikita din na talagang alaga sila dun. may mga nakadisplay pa na mga pictures nung mga bata kasama yung mga awards na nakuha nila. kewl~

hindi tlaga sila nagpapaapekto sa kung ano siwasyon nila para makapag aral ng mabuti.
sana lahat ng nag aaral ganun mag isip. haha.

narinig ko na may mga batang kumakanta ng christian songs.
nung pinuntahan namin ayun yung mga bata nga. tinutugtugan sila nung irreg naming kaklase na gitarista sa church nila, si cris. naenganyo naman kami na sumabay sa kantahan kahit na konti lang kami na may alam nung mga kanta.

nalaman ko tuloy na Christian din pala yung teacher ko. astig.
good sign to na magiging maganda nga ang hapon namin. :)

nagstart na kami.
medyo mahiyain yung nakuhang emcee kaya awkward yung mga unang part.
hindi din kasi talaga sila sanay mag emcee lalo na sa mga bata.
in short medyo dull.

after ng unang intermission number. sinabi ko sa emcee kung pwede ba ko manghingi ng konting time para sa mga bata.

ok naman daw. ayun. pinasayaw ko sila ng making melody. pambatang Christian song na me kasamang nakakatuwa/nakakatawang steps. ininvite ko din yung mga kaklase ko na makisali.
nung umpisa ayaw nila akong sabayan. pero nung sumunod na hanggang kalagitnaan napansin ko na hindi lang yung mga bata ang nageenjoy. pati yung mga kaklase ko pati yung isa naming teacher.

natapos yung part na yun na nakangiti yung mga bata.kaya pati ako, kahit malat, nakangiti na rin bago mag bow.

nakakataba ng puso mga tawa nila. :)

games. kainan. intermission number. naging maayos ang lahat. nakakapagod pero literal na sulit. :)

pauwi palang kami e kinokontrata na kami ng mga bata na bumalik sa pasko.
kami naman ni cris kinukulit ng 4 na bata para sa picture taking.
natatawa ko kasi crush pa pala nung mga bata yung si cris. ayus.
sayang lang at hindi ko pa mapost dito yung pictures namin.

bago kami tuluyang magsiuwi binigay nung mga bata sakin yung name plate nila. para daw hindi ko sila makalimutan. hiningi din nila yung akin. sayang lang at isa lang ang pangalan ko. haha.

nagpakitang gilas pa sila samin ni Cris sa pagmememory verse. natandaan ko din. at sa tingin ko hindi ko makakalimutan. :)

"mabuti pang huwag ka ng mangako kaysa mangako ka ng hindi mo tutuparin"
mangangaral 5:5

sana maulit uli yung mga ganitong activity. :)

new image.

Salamat sa ate ko at napalitan na ang itsura ng blog ko.
sa mga magtatanong bakit ganto na itsura nya at bakit ito ang napili kong bg.
walang malalim na dahilan.
eto ang una kong nakita na matino sa mga mapapagpilian.
hindi porket black emo.
haha.

Wednesday, August 19, 2009

nagkaroon kami ng graded recitation sa filipino kanina.
1 minuto kang magiisip pag nakabunot na ng topic at isang minuto ka ring magsasalita.
para sa ilan sobrang haba ng 1 minuto para tumayo lang sa harapan at magngingiti.
mikli naman para sa mga inuulan ng ideya pero hindi rin naman nasabi ng maayos dahil sa kaba.

maganda karamihan ng mga topic.

"pangulong cory aquino"
"ina"
"anak"
"ama"
"pamilya"

nakakatawa pa nga dahil nataaon na yung tatlong topic ang magkakasunod.

naeexcite tuloy ako ano makukuha kong topic.

"lechon"
"crush"
"sapatos"
"pag-ibig"

sayang lang at hindi isa sa mga yun ang nakuha ko.

andami kong naiisip para sa mga naunang topic.

kaya lang... ang napunta saking topic ay...


"ilong"

ok.

Monday, August 17, 2009

pressure

some things i'll never know..
and i have to let them go..
i'm sitting all alone..
feeling empty.

Saturday, August 15, 2009

whoa (paramore)

I've hoped for change,
and it gets better everyday
I've hoped for change,
but still I feel the same

There's something wrong,
cause everybody knows
That we can do this on our own

And we've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa
We've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa

We're doing fine
And it gets better everytime
We're doing fine
But I'll let you decide

There's something wrong,
cause everybody knows
That we can do this on our own

And we've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa
We've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa

And I'll confess
That I can be a little selfish
And I'll admit
I don't want you to help me through this
I don't want to start over again

And we've got everybody singing
And we've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa
And we've got everybody singing
Whoa, whoa, whoa, whoa

And I'll confess
That I can be a little selfish, I can, I can
And I'll admit
I don't want you to help me through this
I don't want to start over again

Thursday, August 13, 2009

feeding program.

Magkakaron kami ng feeding program sa 2 naming major subjects. Ang Food Selection at Sanitation and Hygiene. Excited na ako. Sa ampunan kasi ang venue namin. Kewl~ madaming bata. Bunutan kanina ng committee kung san ka maasign.

Food Production (preparation ng pagkain)
Venue Set up (responsible for the ambiance)
Program (program proper)
Food Service (serving of food)
Housekeeping (cleaning and dish washing)
Documentation (compilation of the event)

Gusto ko mapunta sa program committee since nakapag emcee na ako at mga bata ang audience.

Food production unang binunot.
Wag ako. Wag ako. Wag muna ako.
*cross fingers*

“kurdapya.
Marimar.
San pedro.
Pernando hose.
Pulgoso.
Gu junpyo.
Berto.
Corazon.
Josefa.
Juan bibo.”

Ayus! Hindi ako natawag. Haha. Sana talaga sa program ako mapunta.

Sunod na ang venue set up committee.

Naku pala pag napunta ako dito e korni.

“muymuy.
Lelang.
Rosalinda.
Karing.
Binggay.
Caridad.
Pochollo.
Beethoven.
Pumba.
Potpot.”

Ahahaha. Swerte hindi pa rin ako natatawag.

Program committee.
Eto na. excited na ko. Me halong kaba dahil pag hindi ako natawag dito e me posibilidad na mapunta ako sa paghuhugas na walang humpay.

“Bumblebee.
Doraemon.
Pikachu.
Snorlax.
Autoload.
….

Shemay lima na hindi pa ako natatawag. Naku pala.


Recycle bin.
Delete.
Facebook.
Ilan pa ba kulang?

Buong klase: dalawa pa po.

Ako: coronel po!

…monobloc.

Powtek. Wala pa din?
Ako na! ako na!

… santino.”

Malas pala.
Para matapos na to. Ang ending e napunta ko sa housekeeping committee.
Ang kasangga ko e 5 pang mga tulad kong maghuhugas. 6 na maglilinis ng venue. At isang gallon ng joy lemon flavor.

Rock en roll na lang sa paghuhugas namin.

End.

ako ata mismo. ayus.

Sumakay ako sa jeep kanina papunta ng puregold para bumili ng mga kailangan sa pagluluto ng sotanghon.

Swerte at nalibre pa ako ng pamasahe nung friend naming driver. Ayos to.
Medjo awkward yung mga unang moments kasi ako lang sakay nung jeep tapos libre pa ako. Haha. Pero mayamaya lang naman may mga nagsisakay na rin. Dalawa. Isang babaeng maingay at isang babaeng nagpaka lalake.

Napansin kong pareho silang nakasuot ng Ako Mismo dog tag. Umiinom ng choc-o yung maingay na babae tapos pagkaubos e sabay balibag nung inumin sa kalsada. Hahaha. Potek. Ako Mismo pala a. badtrip. Sarap ipalulon ng buo yung dog tag nyang pamporma lang. alpakapalmuks din e. naka Ako Mismo baler pa sya.

Dami talagang weird sa mundo. Gaya nila na ang alam lang e magpapogi gamit ang mga dapat e pang paalala na pwedeng maging malaking tulong ang sarili.

De bale. Mainis man ako wala rin naman akong magagawa. Ayos lang. atleast alam ko na may mga tulad nilang niloloko lang ang sarili. Mga inuuto ang sarili.

Papauso ako ng dog tag. Yung mas bagay sa maraming gaya nila. “Sila na lang Mismo”

Friday, August 7, 2009

mayabang ako. birthday ko we.haha

mayabang ako. nagbirthday ako e. haha.
wala akong masyadong ineexpect sa kahit sino pero excited ako since pang 18th bday ko.
gabi pa lang ng aug 5 madami na akong katext tungkol sa blow out. haha. kakapal kako ng muka nila. regalo muna. lol.

saktong 12:00 ng aug 6 text brigade na ang drama. andaming bumati. pati yung mga hindi ko ineexpect na magttext e nakaalala.

masaya naman ako. hehe.

kinaumagahan nakatanggap agad ako ng regalo mula sa nanay ko.
stitch na stuff toy (eto yung stuff toy ko na malapit talaga yung pagkakagawa sa muka ni stitch. kewl~.), key chain na stitch, at id lace na stitch pa din. haha. nagustuhan ko talaga.

pagpasok ko sa school the next day madami na din agad bumati.
nagthank you naman ako since wala akong panlibre.
nakakatuwa dahil hindi ko naman gawaing ipagsigawan ang bday ko pero may mga bumabati.

pupunta yung best friend ko dito sa bulacan nung araw din na yun.
sabi nya me aasikasuhin daw sya.yun pala ako lang talaga ang sinadya. natouch naman ako.
kwentuhang walang sawa.hiningan kami ng walang katapusan ng mga batang nanghihingi ng limos. instead na pera ibigay namin e yung crunchies.

cute din yung regalo nya sakin. isang tupperware na marshmallows at isang tupperware din ng pretzel. papatayin ata ako sa diabetis. haha. pero sobrang naapreciate ko naman.

nag aya sya mag cr. habang naglalakad kami me nakita akong lalaking me dala ng isang boquet ng rose na nakatakip pa sa muka nya. medyo kinutuban na ako.

"loko to wa."

ayun. si ex nga. close kasi sila ni best friend kaya malamang na nagsabwat ang dalawa.
sosyal me bulaklak pa ko.
haha.binigyan din nya ako ng japanese lunch box na me laman. :)

kumain muna kami ng mami bago umuwi si bestfriend.

nung hapon patuloy pa din pagbati nung iba.

pag uwi ko me nadatnan din akong cake. ayus. sponsored pa din ni ex.
nilagyan pa namin ng 18 thin canldles.kewl~ muka akong rich kid neto. haha
masaya. nauwi kami sa panunuod ng utada united.

hinatid ko na si ex sa sakayan ng fx. pero dumaan muna kami ng zagu. kahit malakas ang ulan ayus lang.
masarap e. haha.

eto na ata ang pinaka masaya kong bday. sana maulit ule. :)

salamat sa mga bumati.

Wednesday, August 5, 2009

ikaw mismo? naku pala.

usong uso ngayon yung ako mismo dog tag.
ok naman sya. madaming nacute-an tsaka fan.
maganda yung layunin nung nag umpisa nito. makabayan.

bilib ako sa kanila pero hindi ako fan ng pagsusuot ng dog tag nila.
hindi dahil pangit o ano pa man.
ayoko lang kasi mapabilang sa mga kabataang nagsusuot nito ng hindi alam ang ibig sabihin ng
"ako mismo"

sa klase namin higit kalahati ata me suot ng dog tag na yun.
sa buong campus naman e mapapagkamalan mo nang parte yun ng uniform namin.

gusto ko sanang tanungin yung isa kong kaklase na idinikit na ata yung dog tag sa leeg nya.
"suot mo yan.. e bat ka nangongopya ng bonggang bongga?"

ako mismo.
pagbabago mula sa sarili at hindi pagpapakitang tao.
sayang lang. sayang ang ipinambili kung gagamitin lang palang pamporma.

ayus. ayoko na. baka mapaaway.

Saturday, August 1, 2009

hindi ko alam kung bakit pero parang ang lungkot ko. siguro dahil masakit likod ko o dahil nabitin ako sa taho na nabili ko kanina. wala namang kulang sakin sa ngayon maliban sa oras na makapagliwaliw. nabbore na din ako sa maraming bagay. tulad sa pang iinis ng mga kaklase ko.walang sawang pagkkwento ng lovelife ng kaklase kong malapit sakin. singilang walang humpay. pagsunod sa mga task sa school at pagiisip ng mga concept para sa mga activities.

i think i need a break.

hindi ko lang alam kung pano at kailan.

bigla ko lang naisip. nakakainis pala ang mga taong mas madaming salita kesa gawa.
yung tipong pag pinakinggan mo silang magsalita mapapanganga ka.
pero tignan mo kung ano na nagawa nila e mapapailing ka na lang.

alam ko ganto ako minsan. pero ginagawa ko lahat para masulit yung oras na meron ako.
gusto ko din kasi na kahit pano may maipagmalaki. na sa edad ko hindi lang lovelife inatupag ko. haha.

ewan ko ba. bigla ko lang naisip.

nagpraktis kami ng grupo ko dito sa bahay.
habang nagpapahinga sandali nagka kwentuhan.
tungkol sa lovelife ng iba. ano pa nga ba.
bla bla bla.

grabe. ang nasabi ko lang.

"hindi naman sa lovelife umiikot ang buhay ng tao. andaming mas kailangang gawin lalo na sa edad natin."

may irreg samin na lalake.type ng 2 magbest friend. ayun. nung naginuman akbay nya yung dalawang babae.

grabe. nakakababa ng pagiging babae yung ginawa nila. nakakahiya. ewan.

ang ending e nagwarning mga kaklase ko sakin about sa mga lalake naming mga kaklase.

sabi ko "sorry pero mahal ang presyo ko. utakan lang yan. at hindi nila ako mauutakan."

nagaaral ako para sa akin at sa pamilya ko. hindi para magjowa ng mga walang concern sa sarili.
mas importante ang utak kesa sa muka.
de bale ng loveless kesa gradeless.

ayos~ pagkapost nito. magbabasa na lang muna ako ng kiko machine.

Tuesday, July 28, 2009

The Two Standards

Life is a warfare; a warfare between two standards; the standard of Christ and the standard of Satan. It is older than the world, for it began with revolt of the angels. It is a warfare wide as the world: it rages in every nation, every city, in the hearts of every man. Satan desires all men to come under his standard, and to this end, lures them with riches, honors, power, all that minister to the lust and pride of man; Christ on the contrary invites all to fight under His standard. But He offers no worldly allurment, only HImself. Only Jesus, the Son of Man, born an outcast, raised in poverty, rejected as a teacher, betrayed by His friends, crucified as a criminal. And therefore His followers must be ready to suffer what He suffered; poverty, persecution, betrayal, at times even death. But Jesus, the Son of Man, is also Jesus, the Son of God. And therefore His followers shall not be confounded forever, they are certain ultimate for victory, againts them, the gates of Hell cannot prevail. The power of Darkness shall splinter before their splendid battalions. Battle-scarred but resplendent, they shall enter into glory with Christ, their King. Two armies, two standards, two generals... and for evey man there comes the imperious cry of command; Choose! Christ or Satan? Choose! Sanctity or Sin? Choose! Heaven or Hell? and in the choice he makes, is summed up the life of every man.

-Fr. Horacio Dela Costa SJ

pinakabsado samin to para irecite kanina.
nakabisado ko naman.
natype ko pa nga ng walang tingin sa libro e.
malas lang at nabura karamihan nung nagrerecite na ko.

ayos~

Sunday, July 26, 2009

no parking.

matagaltagal na din nung huli akong nagpost.
madami na din ang nangyari.
una isa na kong citizen ng thailand. ang land of the free.
pangalawa naging successful naman yung pag eemcee ko. medjo kinabog lang ako ng kaba
pero eto pa rin naman ako at buo pa.
pangatlo hindi lumusot ang ate ko.

oks lang.
sa ngayon alam kong malungkot sya.
wala naman akong karapatang sabihin sa kanya na ok lang
dahil hindi naman ako ang nasa sitwasyon nya.

pati si mama malungkot dahil sa nangyari. sino ba naman kasi ang matutuwa
pero sa kabila nun, isa lang ang masasabi ko.

"ok. hindi pa pala oras para dyan. go. new goal na."

opinion ko lang naman yun.

pwede nyang isipin lahat ng gusto nya.
pwede syang malungkot ng malungkot sa ngayon pero hindi sya pwedeng huminto.
hindi nya kailangang matakot
dahil ang daming taong nakapalibot sa kanya ang naniniwalang nadelay lang sya sandali.
malaki ang tiwala namin sa kakayanan nya.

aalis sila ngayon. pipiliting ialis ang stress para mas makapagpatuloy.
mainam yun.

dito lang muna ako sa bahay. magpapabunga. gagawa ng project na walang katapusan.
aani sa farmville at magaantay ng mananakaw sa barn buddy. ayos~

Sunday, July 12, 2009

emcee

malapit na ang nutrition week.
college namin ang host sa buong school since HRM kami.
wala naman ako masyadong paki dahil ang habol ko lang naman sa mga gantong events e walang klase.
oye!
monday nun. patapos na ang klase namin sa hygiene.
tnawag ako ng teacher kong sobrang lumanay.

"sanay ka ba magsalita?"
"sanay po ako humarap sa mga tao.."
"good. magprepare ka para sa nutrition week natin. ikaw napili kong mag emcee together with a fourth year student."

wtf*

ano daw??
hindi pa ako nakakapag emcee buong buhay ko.
tango lang ako ng tango. indi ako makatanggi.
ayos.

"ikaw napili ko sa buong 2nd year."
"ee... teka. wala naman pong audition na nangyari..."

wala na akong masyadong maintindihan.

ag ending..
eto ako ngayon kinakabahan sa darating naming nutrition week.

amp.

Tuesday, July 7, 2009

kumain ako ng isaw kasama si someone.
bumili ako ng 2 isaw ng baboy.
dahil hindi siya kumakain ng isaw ng baboy yung sa manok ang binili nya.
ok naman. masarap.
kaya lang nung tinitignan ko syang kumain nung isaw nya nasabi ko
"ispageti yu layk?"
para kasing pasta kung kainin nya. hinihigop pa.
ayun.natawa siya at medjo nabugahan ako.
ayos~

pagkaraan bumili ng panulak.
me nabili din kaming pastillas.
nakatuhog sa toothpick. piso isa.masarap din.nakakatuwa.
bumili kami ng 3 muna.
dalawa sakin pati yung malalaki.haha
makalamang lang.
me batang dumaan.nakita kami kumakain.may binili siya tapos pag alis may bitbit na din syang pastillas.
bumili pa siya ng 5 pang pastillas.akin lahat.naawa ako binigyan ko na rin sya ng isa.
baka sabihin matakaw ako.
may 3 bata pa ang dumaan sa harap namin.lahat nagsibili din ng pastillas.
haha. epektib kaming pang advertise.galing.
may 2 nakamotor na lalaki (25-30 yr old na ata)
iniisip ko kung bibili din sila ng pastillas.haha

"may redhorse po kayo?"
"wala."
"ano lang po meron?"
"arci, fruit soda, sprite, royal"
"meron po bang malamig na hindi softdrinks?"

naisip ko, ayus yung tanong nya a.

ako na sumagot.

"yelo."

tumayo na ako sabay alis. iniwan ko yung kasama ko.baka kasi narinig ako nung 2 lalake.haha

ayos~

end_

Wednesday, July 1, 2009

hussle. nagkasakit ako.

sipon ubo at lagnat lang naman. buti di naman natuloy as trankaso.
dinaan ko na lang sa kain baka kako mas mainam yun kesa uminom ng gamot.
ok naman mukang epektib.

bigla ko naalala habang kumakain yung nakita kong karatula sa isang animal feeds shop.

kataba for sale
super worm

naisip ko tuloy kung anong klaseng uod ba yun?
me pulang kapa?
naka tights tsaka brief?
o nakabra na me dalawang stars.

yung tipong pag kakainin na sya ng hayop e lumalaban pa.
ayus.

sana gumaling na ako bukas para di naman ako magmukang ewan.
yun lang.

Tuesday, June 30, 2009

bayad muna bago baba.

pumunta ko kanina sa bayan. nautusan kasi akong bumili ng sinulid para sa cross-stitch.
di na masyadong madami ang tao pero me iilan pa ding aligaga.
sa hirap ng buhay mahirap na talaga makahanap ng trabaho.
me nakita kasi akong post sa me tindahan ng mga payong at tsinelas.

"wanted: sales lady. must be single and with experience."

anong experience kaya yun?

hmmmm.

pauwi na ako muntik ko pa makalimutang magbayad.
buti na lang naalala ko na muntik din ako di magbayad nung papunta pa lang ako.
salamat kay manong driver at pinaalala nya.

Tuesday, June 16, 2009

tell me about yourself. echos

fn namin kanina (food nutrition) at ang pinagawa ni mam lulu e

tell me about your self

ayos.parang first year lang ang dating.
medyo na bore ako sa sagot ng mga kaklase ko na halatang napilitan lang.
lahat naman ata.

antgal din bago ako natawag kaya nagbasa basa muna ng ilang page
ng kiko machine blg 5 "alab ng uso" *__*

maya maya natawag na ako.
ade sinagot ko lahat ng tinanong at dapat sabihin.

name: bryanne rozh p. coronel
titser: bryanne?
titser: ikaw ba yun?
ako: opo. ako po talaga. babae po ako.
titser: ah ok..

age: 17
motto: do not conform any longer to the pattern of this world but be transformed by the renewing of your mind.
why did you take hrm as your course: gusto ko po kasing makapag sponsor at makapag volunteer sa isang feeding program para sa mga bata.

involved pala si mam sa mga feeding program ng kapitolyo kaya inexplain nya yung tungkol dun.
3 months straight pag nagpapafeeding program. tsk kelangan ko pala talagang magpayaman.

goal: maging head teacher sa sunday school at makapag trabaho.
expectation sa teacher: wala masyado. ayoko ng sobrang mabait na unfair na ang dating. gusto ko challenging.

gusto ko din sanang sabihin na ayoko ng teacher na di marunong magenglish pero di bale na baka maconsciou. (tama ba?)

pagkatapos ko me mga sumunod pa.
blah blah blah.

uwian na.

pa deep. rak en roll

"if JESUS appeared beside you, what's the first thing you will say to him?"

eto yung tanong na natapat sakin kanina sa english class namin. ayos. me pagka seryoso.
sayang lang at hindi natapat na lang sakin yung

"if you are given a chance to have three things for FREE, what are those?"
(sasagot ako ng gusto ko ng matinong cellphone, i touch o psp at ang buong pilipinas.haha. gahaman.)

"you can say ''i've made it' when.."
(pag pround na sakin parents ko atpag staright na buhok ko. XD)

"what woul you look like at the age of 90?"
(e malamang straight na akong nakahiga sa ataol. *lol*)

no choice kelangan ko ng sumagot dun sa tanong ko.
syemps english dapat ang drama.
ayun.

"i will thank Him for letting me experience His power and greatness in my life."

pa deep kuno pero ayus lang. mukang natuwa naman si teacher. ewan.

as usual nagduda mga teacher kung bryanne ba talaga name ko.
oo. at wala na akong magagawa dun. haha.

tapos na ang maghapong pa-deep. kunwari seryosong tao.
bukas ulet. paepek sa iba.
ayus.

Monday, June 15, 2009

allergic to stupid people.

first dayof school na kanina pero sumaside line side line pa din ako
.ayun sayang time e. hehe.
hindi ako nag uniform dahil una sa lahat hussle at mainit.
pangalawa, humaharap ako sa madaming tao at hindi ko gusto itsura ko pag nakauniform.
pangatlo iniisip ko irreg pa naman ang klase kaya baka ayus lang.

8-10 am paepek muna ako sa pag e-s.a. sa id (dito ako nagwwork sa ngayon).
para me makita pa ako hanggang katapusan ng june e di na ako nagpa late.
ok naman ang takbo ng lahat. walang kahit anong masamang amoy. ahaha.
10 me klase na ako.di agad ako nagpunta dahil ayoko magmukang excited.
nakalugay ako nun tas nakasupil. isa sa pinaka unusual thing na nagawa ko.
malakas naman loob ko nung una na magpakita sa mga kaklase ko na ganun ang ayos..
kaya lang pinanghinaan din ako ng loob nung nakita ko na yung mga kaklase kong lalake.malalakas man trip mga yun kaya inipitan ko na lang uli yung buhok ko.
iwas inis lang.haha.ayos.
pag dating ko sa room wala pa din halos tao.umupo na ko sa me sulok.
ayoko din kasi ng maingay at hindi ko naman ganun namiss mga kaklase ko..(maliban dun sa isa. haha)

math first subject. ang alam ko yung "girl" naming prof ang maghhandle samin pero babaeng prof talaga ang nakaupo kanina sa room namin.
maya maya pa e tumayo na siya..

"good morning."

nagtaka kami syempre dahil hindi naman sya yung expected teacher namin.
ayun sa bandang huli nalaman din namin at nalaman din nya na nagkamali sya ng pasok. haha.

ayus.dumating na yung talagang teacher namin sa math.babae talaga. hindi yung "girl" na expected.ayus. masaya kami dahil di maganda naging karanasan namin sa prof na yun.
ok naman sya.makwento tsaka medjo mabiro.nung una interesado ako makinig dahil wala namang mawawala kung gagawin ko yun.
medjo nung humirit nga lang sya ng orientation na english ang banat medjo natameme ata ako.
di ko na matandaan yung mga nasabi nyang english epek na wrong (as in wrong) gramar naman.
nadisappoint ako syempre. haha.

ang di ko na lang ata makalimutan e yung idinugtong nya about sa pagiingay ng mga estudyante.

"it keeps me irritate immediately."

ayus. sabug sabog.ayoko na makinig nung bandang huli.
medjo kakakulot ng nuo e.after ng klase sibat na uli ako pabalik sa work.
lunch break na nung dumating ko kaya kumain na din ako after ko gumawa ng DTR para makasahod.
after lunch break ayun gawa na naman ng id.
minsan nakakatuwa yung estudyanteng natatapat sa akin.
meron namang nakakainis.
may korni at nakakaaliw.
me badbreath, me mabango, me pogi, me epal at lahat na.
pero kanina bad trip ako sa babaeng natapat sa kin.
napansin ko na na pineke nya yung form na binibigay sa mga estudyante para makapag pa id na sya.
iniintriga ko lang baka umamin at makiusap na lang.e hindi.
nagmaganda at nagladlag ng ugali.
hinayaan ko na dahil pagod na din naman ako.
ayaw din naman nyang umamin at panay dahilan at palusot pa.naiinis na din pala yung kasama ko pa na nag a-id kaya ayun.
tahimik na lang ako.sumunod ko napansin sa same girl na ang nakalagay sa

"person to notify in case of emergency"

e yung name ng bf nya.
BAWAL YUN.

isa sa mga rules samin e dapat ang nakalagay dun e yung kasama mo dapat sa bahay. lalo na dapat e parents. amp talaga.
syempre hind pa din nagpadaig ang pugita.
ayun sabi ampon daw sya at tatay daw nya yun. di pa lang daw naaayos yung apelido nya.
potek. low class na palusot.ang pangalan ng mga tatay nuon e tunog makaluma dapat at hindi "jan denver".
sumagot pa.
"itype mo na nga lang kung ano nakalagay dyan."
shit talaga.
sinira nya araw ko.isinumbong naman sila nung kasama ko na si papa rene
malas nga lang dahil ang nahuli lang e yung friend nya ns kasabwat nya.
ewan, kakarmahin din sya sa pagsira ng araw ko.
magsama sila ng bf nyang baduy.

eat bubug. nursing stud pa naman sya.binalikan pa ako nung friend nya na nahuli at tinanung yung pangalan ko.kung sabihin ko ba na bryanne pangalan ko maniwala kaya siya.
hindi din siguro.

anyway. bitter lang sila.
una dahil nahuli namin sila nameke
pangalawa na nahuli din namin sila na bf nila ang nasa person to notify
at pang huli dahil mali talaga sila.
ayus lang. di bale. pag naman tinambangan nila ako alam na ng mga kasama ko gagawin. haha.