Saturday, August 22, 2009

PCMI

natapos na kahapon yung feeding program namin.
Enjoy! sobra. very fulfilling tsaka nakakabless talaga.

pagpunta pa lang namin sa venue may maliliit ng mga problema pero naaayos naman kahit pano.
super open minded yung mga bata dun. makikita din na talagang alaga sila dun. may mga nakadisplay pa na mga pictures nung mga bata kasama yung mga awards na nakuha nila. kewl~

hindi tlaga sila nagpapaapekto sa kung ano siwasyon nila para makapag aral ng mabuti.
sana lahat ng nag aaral ganun mag isip. haha.

narinig ko na may mga batang kumakanta ng christian songs.
nung pinuntahan namin ayun yung mga bata nga. tinutugtugan sila nung irreg naming kaklase na gitarista sa church nila, si cris. naenganyo naman kami na sumabay sa kantahan kahit na konti lang kami na may alam nung mga kanta.

nalaman ko tuloy na Christian din pala yung teacher ko. astig.
good sign to na magiging maganda nga ang hapon namin. :)

nagstart na kami.
medyo mahiyain yung nakuhang emcee kaya awkward yung mga unang part.
hindi din kasi talaga sila sanay mag emcee lalo na sa mga bata.
in short medyo dull.

after ng unang intermission number. sinabi ko sa emcee kung pwede ba ko manghingi ng konting time para sa mga bata.

ok naman daw. ayun. pinasayaw ko sila ng making melody. pambatang Christian song na me kasamang nakakatuwa/nakakatawang steps. ininvite ko din yung mga kaklase ko na makisali.
nung umpisa ayaw nila akong sabayan. pero nung sumunod na hanggang kalagitnaan napansin ko na hindi lang yung mga bata ang nageenjoy. pati yung mga kaklase ko pati yung isa naming teacher.

natapos yung part na yun na nakangiti yung mga bata.kaya pati ako, kahit malat, nakangiti na rin bago mag bow.

nakakataba ng puso mga tawa nila. :)

games. kainan. intermission number. naging maayos ang lahat. nakakapagod pero literal na sulit. :)

pauwi palang kami e kinokontrata na kami ng mga bata na bumalik sa pasko.
kami naman ni cris kinukulit ng 4 na bata para sa picture taking.
natatawa ko kasi crush pa pala nung mga bata yung si cris. ayus.
sayang lang at hindi ko pa mapost dito yung pictures namin.

bago kami tuluyang magsiuwi binigay nung mga bata sakin yung name plate nila. para daw hindi ko sila makalimutan. hiningi din nila yung akin. sayang lang at isa lang ang pangalan ko. haha.

nagpakitang gilas pa sila samin ni Cris sa pagmememory verse. natandaan ko din. at sa tingin ko hindi ko makakalimutan. :)

"mabuti pang huwag ka ng mangako kaysa mangako ka ng hindi mo tutuparin"
mangangaral 5:5

sana maulit uli yung mga ganitong activity. :)

2 comments:

conformityeludesme said...

cool.
Talagang kinarir ang feeding program.
Palagay ko nag enjoy ka talaga doon.
Kamusta pala paghuhugas ng pinggan? hahahaha.

selfish jellyfish said...

haha. oo naman no. minsan lang magkaron ng mga ganung activity e. :)

naghugas kami ng napaka dami.haha. sakit sa likod.

nasa kalagitnaan kami ng paghuhugas nung tinawag ako para naman sa intermission number namin. haha.