eto na ata ang pinaka masaya naming pasko. ^^
wala masyadong handa pero lahat ng niluto masarap!
salamat sa caldereta ni mama na laging mabenta!
pati na rin yung crema na halos sirain yung tyan ko dahil sa alang tigil na pagkain. haha.
sa fruit salad ni lola na itsura pa lang e mapapaatras ka na. masarap na, sing tigas pa ng semento dahil sa pagkaka freeze. XD
sa barbecue ni tita cha ni sinunog ng mga pinsan ko. haha.
sa spaghetting napaka dami. :)
sa mga softdrinks na sagot ni tita jing.
sa cake na sponsored by insan kuku. labyu men! ^^
sa kaning alam ko pinagtyagaang lutuin ng kapatid ko sa kahoy. :) long live kapatid. haha.
pati na rin sa iba pang pagkain na hindi ko na maalala kung ano pa kayo. salamat sa pagsasakripisyo ninyo na magpakain. XD

kay kuya kuku at sa kapatid niyang pinaos ako sa kakasigaw dahil sa kanilang walang katulad na sayaw. grabe. hindi pa ako sumigaw ng ganun ka tindi a. XD
sa dalawa kong kapatid na nagpakitang gilas. ayus yan. gagaling sumayaw. sana sa pagsasaing naman kayo gumaling next time para wala ng dark tutong. oks?
salamat na rin kay kuya john sa pagpapaikot ng tagay nila ng the bar.
gusto ko sanang makiinom kaya lagn hindi talaga kaya ng powers ko. pramis. XD weak sa alak e.
sa lolo ko nga pala. salamat sa napaka bilis na pag uwi at hindi na tayo nakapag simba. haha. next year uli a. XD
kay lola ko na wiling wili sa pagtawa. ^^ ang cute mo lola pag masaya. pramis! :P
sa mama ko na ever matyaga sa mga ganung okasyon. labyu ma! ^^
isa sa pinaka cool is yung mga picture taking. haha.
lalo na yug mga family pic. :)

sobrang saya. ^^
sa sobrang enjoy ng gabi, naiwan namin ang susi ng bahay sa kapatid ko na hindi sumama samin sa paguwi. haha. cool. kaya ayun inantay pa namin maihatid yung susi from kapitangan. o_O
merry christmas world! :)
happy~
superM. ^^





3 comments:
Merry Christmas! Mukhang napakasaya ng celebration niyo ah. =)
Gift ko nga pala? hahaha.
ahaha! pagkilala na talaga kita tsaka kita bibigyan ng gift. :P
magpakabait ha? XD
Naku sabahe akong tao eh. Sayo lang ako mabait. ahahaha.
Post a Comment