Friday, August 7, 2009

mayabang ako. birthday ko we.haha

mayabang ako. nagbirthday ako e. haha.
wala akong masyadong ineexpect sa kahit sino pero excited ako since pang 18th bday ko.
gabi pa lang ng aug 5 madami na akong katext tungkol sa blow out. haha. kakapal kako ng muka nila. regalo muna. lol.

saktong 12:00 ng aug 6 text brigade na ang drama. andaming bumati. pati yung mga hindi ko ineexpect na magttext e nakaalala.

masaya naman ako. hehe.

kinaumagahan nakatanggap agad ako ng regalo mula sa nanay ko.
stitch na stuff toy (eto yung stuff toy ko na malapit talaga yung pagkakagawa sa muka ni stitch. kewl~.), key chain na stitch, at id lace na stitch pa din. haha. nagustuhan ko talaga.

pagpasok ko sa school the next day madami na din agad bumati.
nagthank you naman ako since wala akong panlibre.
nakakatuwa dahil hindi ko naman gawaing ipagsigawan ang bday ko pero may mga bumabati.

pupunta yung best friend ko dito sa bulacan nung araw din na yun.
sabi nya me aasikasuhin daw sya.yun pala ako lang talaga ang sinadya. natouch naman ako.
kwentuhang walang sawa.hiningan kami ng walang katapusan ng mga batang nanghihingi ng limos. instead na pera ibigay namin e yung crunchies.

cute din yung regalo nya sakin. isang tupperware na marshmallows at isang tupperware din ng pretzel. papatayin ata ako sa diabetis. haha. pero sobrang naapreciate ko naman.

nag aya sya mag cr. habang naglalakad kami me nakita akong lalaking me dala ng isang boquet ng rose na nakatakip pa sa muka nya. medyo kinutuban na ako.

"loko to wa."

ayun. si ex nga. close kasi sila ni best friend kaya malamang na nagsabwat ang dalawa.
sosyal me bulaklak pa ko.
haha.binigyan din nya ako ng japanese lunch box na me laman. :)

kumain muna kami ng mami bago umuwi si bestfriend.

nung hapon patuloy pa din pagbati nung iba.

pag uwi ko me nadatnan din akong cake. ayus. sponsored pa din ni ex.
nilagyan pa namin ng 18 thin canldles.kewl~ muka akong rich kid neto. haha
masaya. nauwi kami sa panunuod ng utada united.

hinatid ko na si ex sa sakayan ng fx. pero dumaan muna kami ng zagu. kahit malakas ang ulan ayus lang.
masarap e. haha.

eto na ata ang pinaka masaya kong bday. sana maulit ule. :)

salamat sa mga bumati.

13 comments:

conformityeludesme said...

naks.
Belated Happy Birthday sayo.
Dalaga ka na pala. =)
Mabuti at naging masaya ka sa birthday mo.
Sa dati mo kasing blog malungkot.
Mukhang mahal na mahal ka parin ng ex mo ah. =)

selfish jellyfish said...

haha. oo nga e. naaalala ko dun ka sa bday post ko sa lumang blog unang nagcomment e. :)

oo nga e. i hope maka move on na sya.

conrofmityeludesme said...

ay. Hindi mo na ba siya mahal?
Parang naaawa tuloy ako ah.
Buti nalang maayos kami ng bossing koh.
Siguro kung makikipaghiwalay din siya sakin sobrang madedepress ako.

selfish jellyfish said...

yun nga e. naaawa din naman ako. kaya lang ayoko namang maging unfair sa kanya diba?

tagal nyo na din no. ikang years na kayo?

conformityeludesme said...

unfair? paanong unfair ka?
Lampas one year na kami.

selfish jellyfish said...

unfair. kasi hindi ka kagaya ng nararamdaman nya yung nararamdaman ko. a. yabang. same pala tayo. 13 months din kami nagtagal.

conformityeludesme said...

ah,
haha, parang naaawa na ko sas kanya.
Hindi mo na ba siya mahal?

selfish jellyfish said...

ayun. alam ko naman na ako talaga ang may mali e. naiintindihan ko kung bakit ganyan ka sa kanya.

hindi na e. hindi ko rin alam kung bakit. wala naman akong ibang gusto talaga ngayun.

conformityeludesme said...

ganyan talaga minsan.
Sana hindi kami magkaganyan ni bossing ko.
Baka di ko kayanin. =(

selfish jellyfish said...

hindi naman siguro. wala naman ako siguro ako katulad magdesisyon. haha. XD minsan nga iniisip ko kung tama ginawa ko.

conformityeludesme said...

Online?

hmm... madalas nagkakaganyan din ako.
Nagdadalawang isip sa mga bagay.
Palagay mo? Madalas kasi nagcoconflict puso at isip natin.
Minsan hindi narin natin alam kung alin nasusunod sa dalawa.
Isipin mo nalang maigi.
Pakiramdaman mo.
Saan ka mas masaya?

selfish jellyfish said...

yun nga e. mahirap talaga. masaya pag susundin nararamdaman mo pero may mga resulta yun na di maganda.

as of now piniilit ko maging masaya. yun naging desisyon ko e.

conformityeludesme said...

kahit anong piliin ng tao may kaakibat na maganda at masamang resulta.
Minsan nga eh hindi natin napapansin yung huli.
Ano ba sa palagay mo mga masamang resulta?
Worth it ba?
Mga ganyan sasagi sa isip kadalasan.
Kaya nga tayo tao eh.
Binigyan tayo ng choices ng Panginoon.