Magkakaron kami ng feeding program sa 2 naming major subjects. Ang Food Selection at Sanitation and Hygiene. Excited na ako. Sa ampunan kasi ang venue namin. Kewl~ madaming bata. Bunutan kanina ng committee kung san ka maasign.
Food Production (preparation ng pagkain)
Venue Set up (responsible for the ambiance)
Program (program proper)
Food Service (serving of food)
Housekeeping (cleaning and dish washing)
Documentation (compilation of the event)
Gusto ko mapunta sa program committee since nakapag emcee na ako at mga bata ang audience.
Food production unang binunot.
Wag ako. Wag ako. Wag muna ako.
*cross fingers*
“kurdapya.
Marimar.
San pedro.
Pernando hose.
Pulgoso.
Gu junpyo.
Berto.
Corazon.
Josefa.
Juan bibo.”
Ayus! Hindi ako natawag. Haha. Sana talaga sa program ako mapunta.
Sunod na ang venue set up committee.
Naku pala pag napunta ako dito e korni.
“muymuy.
Lelang.
Rosalinda.
Karing.
Binggay.
Caridad.
Pochollo.
Beethoven.
Pumba.
Potpot.”
Ahahaha. Swerte hindi pa rin ako natatawag.
Program committee.
Eto na. excited na ko. Me halong kaba dahil pag hindi ako natawag dito e me posibilidad na mapunta ako sa paghuhugas na walang humpay.
“Bumblebee.
Doraemon.
Pikachu.
Snorlax.
Autoload.
….
Shemay lima na hindi pa ako natatawag. Naku pala.
…
Recycle bin.
Delete.
Facebook.
Ilan pa ba kulang?
Buong klase: dalawa pa po.
Ako: coronel po!
…monobloc.
Powtek. Wala pa din?
Ako na! ako na!
… santino.”
Malas pala.
Para matapos na to. Ang ending e napunta ko sa housekeeping committee.
Ang kasangga ko e 5 pang mga tulad kong maghuhugas. 6 na maglilinis ng venue. At isang gallon ng joy lemon flavor.
Rock en roll na lang sa paghuhugas namin.
End.
Thursday, August 13, 2009
feeding program.
Posted by selfish jellyfish at 6:40:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





4 comments:
ahaha sayang naman.
Sana kinausap mo nalang yung teacher kung pwede ka sa program ilagay.
Mukhang exciting yan ah.
kinausap ko nga e. haha. ayun. wa epek. bawal daw magpalit ng committee. excited na akong maghugas. XD
Isipin mo nalang ganito.
Tutal last committee ka nasali,
it means puwede ka gumala gala sa umpisa ng program, pwede ka makihalubilo sa mga bata.
Puwede ka din tumulong sa ibang committee na nag aasikaso sa mga kids. =)
Edi mas sulit diba?
Sa huli nga lang asahan mo yung tambak na kalat na aayusin. hehe.
Basta mag enjoy ka nalang. I'm sure malaki magagawa mo diyan. go go go~
oo nga e. haha. excited na ko. makikisali na lang ako sa mga games nila. kunyari bata lang din ako. XD
sana nga lang me price. haha.
Post a Comment