hindi ko alam kung bakit pero parang ang lungkot ko. siguro dahil masakit likod ko o dahil nabitin ako sa taho na nabili ko kanina. wala namang kulang sakin sa ngayon maliban sa oras na makapagliwaliw. nabbore na din ako sa maraming bagay. tulad sa pang iinis ng mga kaklase ko.walang sawang pagkkwento ng lovelife ng kaklase kong malapit sakin. singilang walang humpay. pagsunod sa mga task sa school at pagiisip ng mga concept para sa mga activities.
i think i need a break.
hindi ko lang alam kung pano at kailan.
bigla ko lang naisip. nakakainis pala ang mga taong mas madaming salita kesa gawa.
yung tipong pag pinakinggan mo silang magsalita mapapanganga ka.
pero tignan mo kung ano na nagawa nila e mapapailing ka na lang.
alam ko ganto ako minsan. pero ginagawa ko lahat para masulit yung oras na meron ako.
gusto ko din kasi na kahit pano may maipagmalaki. na sa edad ko hindi lang lovelife inatupag ko. haha.
ewan ko ba. bigla ko lang naisip.
nagpraktis kami ng grupo ko dito sa bahay.
habang nagpapahinga sandali nagka kwentuhan.
tungkol sa lovelife ng iba. ano pa nga ba.
bla bla bla.
grabe. ang nasabi ko lang.
"hindi naman sa lovelife umiikot ang buhay ng tao. andaming mas kailangang gawin lalo na sa edad natin."
may irreg samin na lalake.type ng 2 magbest friend. ayun. nung naginuman akbay nya yung dalawang babae.
grabe. nakakababa ng pagiging babae yung ginawa nila. nakakahiya. ewan.
ang ending e nagwarning mga kaklase ko sakin about sa mga lalake naming mga kaklase.
sabi ko "sorry pero mahal ang presyo ko. utakan lang yan. at hindi nila ako mauutakan."
nagaaral ako para sa akin at sa pamilya ko. hindi para magjowa ng mga walang concern sa sarili.
mas importante ang utak kesa sa muka.
de bale ng loveless kesa gradeless.
ayos~ pagkapost nito. magbabasa na lang muna ako ng kiko machine.
Saturday, August 1, 2009
Posted by selfish jellyfish at 11:55:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





9 comments:
It doesn't necessarily mean na kapag nasa relationship, yun nalang aatupagin diba? =)
Minsan inspiration pa nga yun para mas mapagbauti mo sarili mo at mga gawain mo. Sa side ng mga kaklase mo, siguro magkaiba kasi kayo ng environment na kinalakihan kaya ganoon pananaw nila sa "lovelife". Saka college yan eh, natural ang "lovelife stories" sa mga students.
Mukhang may nakausap kang mayabang ah. =)
SIno naman yung nagmalaki sayo pero wala naman kaya patunayan sa sarili? haha.
Nagbabasa karin pala ng kiko machine ano?
rakenrol! bwahahaha.
hahaha. oo we. ikaw din ba? i just finished reading their 4th and 5th book. pinagsunod ko. marathin. pampaalis ng inip. haha.
naku. ewan ko lang a. pero hindi ako fan ng pakikipaglovelife sa klase namin ngayon. hassle e.
Read all of the books na. Medyo hindi lang ako fan ng 5th, Parang political kasi masyado eh.
Nakikita kong iba ka nga mag isip eh. =)
It's good na focused ka. Specially sa studies.
Malaking part kasi yan pag nag graduate ka na at naghanap ng work.
Keep up thr good work. =)
ako din e. mas gusto ko yung 4th tsaka 2nd book nila.
lab ko si bertong badtrip haha.
ganun talaga. ayaw kong gumaya sa lahat. haha. epek lang.
nga pala. almost 1 year na tayo magkakilala. alam mo ba? haha
oh? di ko napansin.
Happy anniversary! lol
ahaha. tsk. tagal na no. o dali ipakilala mo na kung sino ka talaga. 1 year mo na ko inuuto XD
hahaha. antsama naman.
ako mang uuto?
Ayaw mo nun? may mystery relationship natin as friends?
haha.
ano yung XD?
ahahaha. yun nga e. natatakot tuloy ako minsan baka kung ano ka. malay mo virus ka pala sa internet na marunong magcomment sa blog ko. XD
XD smiley un.
X yung mata
D yung bibig
:)
ahhh kita ko na.
Virus? puwedeee. bwahahahahaha.
Parang matrix. Edi tawagin mo nalang akong neo. lol. XD (tama ba?) haha.
Post a Comment