Tuesday, July 7, 2009

kumain ako ng isaw kasama si someone.
bumili ako ng 2 isaw ng baboy.
dahil hindi siya kumakain ng isaw ng baboy yung sa manok ang binili nya.
ok naman. masarap.
kaya lang nung tinitignan ko syang kumain nung isaw nya nasabi ko
"ispageti yu layk?"
para kasing pasta kung kainin nya. hinihigop pa.
ayun.natawa siya at medjo nabugahan ako.
ayos~

pagkaraan bumili ng panulak.
me nabili din kaming pastillas.
nakatuhog sa toothpick. piso isa.masarap din.nakakatuwa.
bumili kami ng 3 muna.
dalawa sakin pati yung malalaki.haha
makalamang lang.
me batang dumaan.nakita kami kumakain.may binili siya tapos pag alis may bitbit na din syang pastillas.
bumili pa siya ng 5 pang pastillas.akin lahat.naawa ako binigyan ko na rin sya ng isa.
baka sabihin matakaw ako.
may 3 bata pa ang dumaan sa harap namin.lahat nagsibili din ng pastillas.
haha. epektib kaming pang advertise.galing.
may 2 nakamotor na lalaki (25-30 yr old na ata)
iniisip ko kung bibili din sila ng pastillas.haha

"may redhorse po kayo?"
"wala."
"ano lang po meron?"
"arci, fruit soda, sprite, royal"
"meron po bang malamig na hindi softdrinks?"

naisip ko, ayus yung tanong nya a.

ako na sumagot.

"yelo."

tumayo na ako sabay alis. iniwan ko yung kasama ko.baka kasi narinig ako nung 2 lalake.haha

ayos~

end_

6 comments:

Anonymous said...

eto pala bagong blog mo. ang kulit nito ah. lol
sino naman yung si someone? hehe.
Matagal nako hindi nakakakain ng pastillas ah, nagutom tuloy ako dito.

-conformityeludesme

selfish jellyfish said...

hehe kami pa nung nangyari to.
naku sarap nung pastillas na yun. tsk. haha.
gusto mo ba? XD

conformityeludesme said...

ay, gets ko.
Sayang naman. Ano nangyari?

selfish jellyfish said...

ako nakipaghiwalay. haha. ewan ko lang kung valid yung reason ko na gusto ko muna mag isa at magfocus muna sa mga gusto kong mangyarai. napapabayaan ko na din naman kasi sya. ayun.

conformityeludesme said...

Masakit siguro yun.
Hindi ba siya umangal sa reasons mo?
Kamusta naman lagay mo ngayon?

selfish jellyfish said...

umangal syempre. pero yun kasi talaga desisyon ko. ok naman ako ngayon. nagpapaka mabuting bata.