Sunday, December 6, 2009

arvis, fries, fraud at kapatid~

ang lahat ng tanong sa buhay ng tao ay nasasagot lang ng oo at hindi.
pero nang tanungin mo ako ng tanong na hindi ko inaasahan, nakalimutan ko ata kung anong silbi ng dalawang salitang na nabanggit.

hindi ka nakatingin sa mga mata ko nang tanungin mo ako.
sa kung saan ka nakatingin habang nakangiti ng alangan.
ako? natulala. kunot ulit ang mga kilay na parang nakikipag usap sa indianong hindi ko maintindihan ang sinasabi.

iyo nga ata talaga ang mundo. pati mundo ko gusto mong gawing teritoryo.
nakakatawa na sa kahit na sa mga ganung pagkakataon napapatunayan mo na iyo ang mundo dahil pati ang mga karatig parang ayaw muna akong paalisin sa tabi mo.

ok lang. hindi naman ako takot sayo.
iniisip ko lang. pagkatapos ng mga nasabi mo
ano nang mangyayari satin?
ano nang mangyayari sa'yo na mahilig pa rin sa ulan?
sa akin na mahalaga pa rin si stitch?
at sa atin na panay tawa lang kapag magkasama?

umuwi ako habang inaawat ang magkasalubong na rally sa isip ko.
inaawat sila at sinabing "teka! wag na kayong sumabay! hindi pa ako bayad sa jeep!"
pag uwi sa bahay hindi agad ako nakapag text dahil hindi ko alam ang sasabihin.
hindi ko rin sigurado kung nakikipag laro lang uli ang batang mahilig sa ulan.

"pag sakay mo sa jeep na yan, kalimutan mo na ako."

ganun na lang ba?
ganun ba kadali?
naiinis lang ako. pero hindi bale. sigurado akong hindi naman kami mauuwi sa ganun.
ayoko munang makipagrelasyon pero ayoko namang mawalan ng pinagkakatiwalaan.

walang choice tulad ng lagi mong ginagawa.

gulung gulo ako. badtrip! me pagka imba ka din pala naisip ko.

pero naging ayos din ang lahat ng makausap ka. nauwi tayo sa tulad ng dati.
sa dati na komportable lang ang lahat.
sa dati na hindi ko kailang isiping may mas malalim pa sa atin.
sa dati na ang tawag mo sa akin ay kulot na ibabalik ko naman sa sigaw na kalbo!

gusto ko na muna sa ganito.
ikaw na mismo ang nagsabi.
naaalala mo pa ba?

pwede bang dahan dahan lang muna?

oo naman. mas gusto ko yun.

unahin na muna natin ang padating na feeding program na kahit pano'y parang natupad na pangarap ko na.

7 comments:

Mr.Yoso said...

WOW second feeding program na. =)
Inlove? =) kaya pala ganoon makareact ang isa. :p Good luck.

selfish jellyfish said...

yep~ pero mas excited ako ngayon kasi yung magiging part ng feeding program e yung mga nangangailangan talaga. :) plano namin e sa cathedral dito sa malolos or sa barasoain church. :) gusto mo tumulong?

haha. hindi naman. swerte lang na nakilala ko ang makulit at bibong si banik. :)

Mr. Yoso said...

Ah, nanggaling na ako diyan dati. Nagphoto shoot kami dati diyan sa church. Tiyak magiging malaking success iyan. Org ba iyan or kayo kayo lang ng mga kakilala nag organisa?

Tama iyan, naniniwala ako na lahat ng taong nakikilala natin eh may part sa pagbuo ng pagkatao natin.
Mag enjoy ka lang.

May blog na pala akong bago. Kaso puro mga unused ideas ko nandoroon. haha. Dalaw ka minsan.

PENDONG PEACE said...

kulot!

ung pagtayo ko sa mercury drug na sabi mo ang angas! at pagsakay ko sa jeep na parang wala ng dapat ibang sumakay pag nakasakay na ko pinapansin mo pa.. toyo mo talaga!

paumanhin kung ganon ako kumilos at umasta na sabi mo nga at sabi ng iba na parang akin ang mundo.. wala eh nakasanayan na.. pero unti-unti binabago ko na ndi mo ba napapansin?

tsaka nga pala sa haba ng panahon ko bilang isang lider aktibista, minahal ko nga ba ng tama ang bayan? ewan! confuse ako sa bagay na un..

ung fries at long sleeve tsaka karatig sinali mo pa dito.. ano naman ang kinalaman nila?

me bago kong sinulat, para ke JAMIE gusto ko bago ko ibigay sa kanya, kaw unang bumasa.. :D me tiwala naman ako sau bilang kritiko ng sining ko eh. ehehe!

apir!


GUSTO KONG MALAMAN MO NA MANANATILI TAYONG MAGKAIBIGAN HANGGANG ME UMAGA AT ULAN.. ^^

dito lang ako parati para bantayan ka pag me tatarantado sau.. ung feeding program naten galingan mo ah? sau nakasalalay ang isa sa walong sinag ng araw sa flag ng pinas.. ehehe..

pano? naaantok na ko..
ingat palagi txt txt na lang pag me mga activity.. kailangan kong bumuo ng isa pang execom ung mas effective para hindi ako nabibigatan sa trabaho ko.. hindi ka na kasali don kasi sa isang movement ka na talaga kikilos.. malungkot pero ganon talaga.. un ang kaisahan eh.. un ang napagkasunduan namin ni june..

goodnight kulot!

WAG KA NG MAGTANGKANG MAGVEGETARIAN KAGAYA KUNG PANONG AUKONG KUMAIN NG KARNE!!!

ANAK NG TOFU!!!

ahaha!

selfish jellyfish said...

ke mr. yoso~
org po yun.
yeahmalolos! :)
excited na ko pero kabado. :)

selfish jellyfish said...

ke mr. yoso uli~
di ko nga pala alam yung blog mo. :(

Mr.Yoso said...

Ay paumanhin naman. :p
Naisinop ko na ang address sa iyong e-mail. Naway maibigan mo ang mga walang katuturang ideya at lathala ko doon. harhar.