Wednesday, October 20, 2010

superhero :)

Sana lahat na lang ng tao swabe

Mag isip hanggang sa mga sinasabi…

Wala ng masungit at lahat nanlilibre

Kahit san lumingon mga muka ay nakangiti…


Sana lahat kaya kapag ikaw ang katabi

Walang hassle, lahat ay pwede

Hahawakan ang kamay mo buong gabi

Lahat ng naiisip ay masasabi


Pero sana wag mo munang isipin ang bigat

Kapag di na kaya, ako ang haharap

Hayaang hangin ang magdala ng lahat

Tsaka ko tatanggalin ang hirap


Ako ng bahala sayo

Ililigtas kita kapag mundo mo’y gumuho

Ipikit mo lang mga mata mo

Lilipad tayo, ililipad kita sa malayo


Bukas pag dilat ng mga mata

Hindi ka na sisimangot, buburahin ko na ang lungkot

Kaya huwag ka ng matakot

Hindi naman hihito ang mundo sa pag ikot.


Ako na muna ang iyong superhero.


~ry

mahirap pala pag nalalagay sa alanganin.

yung tipong gusto mong bumalanse kaso tinatangay ka lang ng hangin.
pakiramdam mo wala namang masama sa pag amin
kaya lang kapag nariyan na ni hindi ka man lang makatingin.

~ry

Tuesday, October 12, 2010

tss

parang atin ang gabi.

para bang wala tayong katabi.

at tayo'y sumayaw na parang di na tayo bibitaw.

inhale exhale.

may mga bagay talaga na nangyayari ng walang iniiwang bakas.

yung tipong kahit gusto mong balikan wala ka magagawa dahil pati ikaw nagdududa kung nangyari nga.

kahit sa alaala me paghihinala dahil mga mata mo lang ata ang nakakita.

ikaw lang ngayon ang may alam.

ikaw lang ang nahihirapan kung papalipasin na lang ang lahat at mag panggap na wala ka na lang nadaanan.

mapapadalas na naman akong matutulala nito.

magtatanong ng paulit ulit kung bakit.

para san?

hihinga na naman ng malalim

para makagaan ng nararamdaman.

wateber mader pader. :S

Saturday, August 21, 2010

love them.




















family ko pa rin talaga ang pinaka bestfriend ko. :)

Thursday, August 19, 2010

ingat.

kapag nasa malayo ka na hindi ka na basta basta makakabalik kahit gustohin mo man.
kapag malayo ka na kailangan mong turuan ang sarili mong maging mas matatag.
kapag hindi ka na tanaw huwag mong kalimutang pwede pa rin namang lumingon.
at kapag malungkot ka na, isipin mong mas masarap maranasan ang saya kapag dumaan ka sa pag luha.

kapag tinanggap mo na at inihakbang ang mga paa
nakalayo ka nga pero hindi mo naialis ang sarili mo sa pinagmulan.
kapag hindi mo na kaya hindi bat yung mga nagdaan pa rin ang mainam na balikan?
kapag pakiramdam mo wala na ako
ipikit mo lang ang mga mata mo at doon magsasama tayo.

kapag akala mo ikaw ang nawala isipin mo ulit baka ikaw pala ang napabayaan.
kapag sa tingin mo ang ilang bagay ay wala ng patutunguhan
huminga ka lang ng malalim at tumingin ulit sa nilalakaran.

huminga ng malalim ng paulit ulit
hanggang sa maalala mong ikaw lang din ang sa buhay mo'y susulit.

Monday, August 9, 2010

dahil natuwa ako. para sayo muna to.

nakakatuwa na kilala na pala kita sa loob ng dalawang taon.

apir! 8 years na lang 10 years na. HAHA.

ganto. since plano naman na after 10 years pwede na kita makita.
e invite mo ko sa kasal mo after dumaan yung sandamukal na time na yun.
or pwede naman na hindi ganun katagal kung magpapakasal ka na.
HAHA.

pinagdududahan pa rin kita.
kasi may katulad ka magsalita.
may katulad ka mag isip.

kaya kung nakatagal ka na ng 2 taong nanttrip sakin e
ihanda mo na lahat ng rosaryong meron ka. ibabaon ko lahat yan sa atay mo.
:DDD

here's our first conversation:

  1. maybe you’ve seen a new reason/ purpose to live life. =)

    Comment by comformityeludesme — November 26, 2008 @ 12:23 am

  2. haha. i guess so. ^__^
    i really wonder who you are..
    do you have a friendster account?
    i would love to add you and see who am i talking with. ^__^
    hehe

    Comment by www17writtenwithwisdom — December 14, 2008 @ 3:53 am

  3. why do you want to see my face? I’m not good looking. harharhar. But you seem like a really interesting young lady. Are you really 17? Because you talk like you’re around 20.

    Comment by comformityeludesme — December 15, 2008 @ 7:33 am

  4. haha. i just wanna know who you are. ^__^
    i dont mind if you look like whatever alien exists. hehe.
    well… yep. i’m only 17.
    no more no less. ^__^
    but a lot of people already told me that i act and speak like a 20 yr old lady.
    kind a used to it already. :P

    hope to hear from you soon. ^_____^

    Comment by www17writtenwithwisdom — December 16, 2008 @ 1:53 pm

  5. lol.
    an alien? maybe i am. =D
    well there’s nothing wrong with thinking maturely.
    It’s a good quality.
    Like an old soul.

    Comment by comformityeludesme — December 22, 2008 @ 12:07 am

  6. haha.
    maybe..
    how about you?
    how old are you? :)

    Comment by www17writtenwithwisdom — December 22, 2008 @ 8:17 am

  7. me? i am… “unknown” haha.

    Comment by comformityeludesme — December 22, 2008 @ 11:12 pm

  8. be fair!
    haha.
    tell me something about you..
    by the way..
    thank you for viewing my blog. :)

    Comment by www17writtenwithwisdom — January 9, 2009 @ 12:13 pm

  9. ok. =)
    hmm, something about me.
    i like tea.
    I like to be able to taste all the existing tea’s in the world! =)
    what else, hmm…
    I like…
    observing things. =)
    I get to learn a lot of things that way. =)

    Comment by comformityeludesme — January 12, 2009 @ 12:47 am

  10. wow..
    for real??
    hmmm..
    ako naman, i want to taste all the coffee i could find. :P
    unahan tayo huh? haha.
    by the way..
    pano mo nga pala napuntahan yung blog ko?

    Comment by www17writtenwithwisdom — January 14, 2009 @ 5:45 am

  11. yep. So far i’ve tried Lipton, Raspberry tea, Milk tea, green tea, earl grey, and another one i don’t remember.
    lol.

    try coffee with chocolate drink. it’s good. =)
    how i found your blog?

    By accident! harharharhar.

    Comment by comformityeludesme — January 15, 2009 @ 3:10 am

  12. i dont believe you found it by accident..
    haha.. iniisip ko nga kung kaklase kita e… hmm…
    who are you?? o_____0 haha. ang arti ko. :P

    Comment by www17writtenwithwisdom — January 23, 2009 @ 6:57 am

  13. I’m not lying.
    i did find it by accident =)

    classmate? Where do you study? =)

    Comment by comformityeludesme — January 28, 2009 @ 6:53 am

    • really? 0_o
      i asked one of my classmate if he’s you.. but he told me he’s not..
      he’s the only guy i’m suspecting… hmmmm..
      i’m studying at Bulacan state university
      tell me something about you… X.x

      Comment by www17writtenwithwisdom — January 30, 2009 @ 2:01 am

  14. why do you want to know who i am so badly?
    I’m a reserved person.
    As much as possible i like to keep things to myself.
    But when i’m needed, i do my very best.

    Comment by comformityeludesme — January 30, 2009 @ 4:56 am

  15. kung ikaw nasa situation ko hindi ka ba maccurious?? O_o”

    Comment by www17writtenwithwisdom — February 3, 2009 @ 8:49 am

  16. well i would be curious. jejejeje.
    ok. Me? I studied at CEU.
    Now i’m working as a production staff for a rich family.
    I always dreamed og doing big things…
    i guess life just had other plans for me.
    But who knows?

    Comment by comformityeludesme — February 4, 2009 @ 1:12 am

  17. well i would be curious. jejejeje.
    Ok. Me? I studied at CEU.
    Now I’m working as a production staff for a rich family.
    I always dreamed of doing big things…
    i guess life just had other plans for me.
    But who knows?

    Comment by comformityeludesme — February 4, 2009 @ 1:14 am

  18. sa wakas nagsabi ka din ng tungkol sayo.. :)
    hmm.. where do you live now?

    Comment by www17writtenwithwisdom — February 8, 2009 @ 2:04 pm

  19. hmm, like everyone else in the city, i rent a place.
    Everyday is a struggle but i do get by.

    Comment by comformityeludesme — February 8, 2009 @ 10:58 pm

  20. saang city? o_O
    me kakilala ako na ganyan din ang situation.

    Comment by www17writtenwithwisdom — February 25, 2009 @ 8:08 am

  21. Quezon City na ako ngayon nakatira. =)

    Comment by conformityeludesme — March 25, 2009 @ 6:38 am

madami pang kaechusan non. tsaka syempre litro litrong
maling grammar.
antagal na rin palang time ang lumipas. :)
natuwa naman ako. :P
long live sayo kapatid. cheers! ^_^


addicted.

Sunday, August 8, 2010

~box

at hindi ko naman inaasahan ang mga nabasa ko.
pero sakto lang.
ganun talaga.
mainam na din.
kung ang lahat ay magbago na.

sa totoo lang.
minsan gusto ko bumalik.
gusto ko magmistulang walang nangyari.
yung tipong andun uli ako sa dati.

ang kaso hindi naman nalulubid ang
pagdaan ng mga araw
lalo na sa mga pagkakamali.
kaya oks na rin siguro.

mamuhay ng sa tingin mo dun ka mas ngingiti.

Friday, August 6, 2010

at birthday ko ulit.

for some reason i feel a bit bored.
wala naman akong ineexpect na mangyayari but i do expect some people that would greet me.

maliban sa family may mga curious ako kung babatiin ako.
1. humps
2. jay
3. mondi
4. banik
5. jamie
6. ate hazel
7. melboy
8. yoso virus
9. bebot
10. arvin

ewan ko na lang.
inulan bday ko.
delayed messages at tinatamad pa ko. haha.

:)

Monday, July 19, 2010

bil"O"g ang mundo.

ok lang kung iba na ang mundo.
ok lang kung nagbago pati mga tao.
ang mahalaga buhay pa ko.
mas mahalaga na marami pang darating na bago.
at ako naman ay mananatiling kontento.

Thursday, July 15, 2010

hush!

i stopped searching.
started waiting.
and preparing my self to be the best person
for that person. :)

Saturday, July 3, 2010

sa dinami dami..

ng kailangang gawin
sino ka para maging dahilan ng pag kawala ko sa sarili.

kung ayaw na ade mag lubay.
ni minsan hindi ko ipapalit ang pride ko.
yun na nga lang ang meron ako.

hindi mo kahalaga ang mga bagay na pinapahalagahan ko.

Sunday, June 6, 2010

talk to Him..

as i sing praises to God this morning i suddenly realized na unti-unti na pala Niyang inaayos yung buhay ko.

i am now committed in different responsibilities at nung umpisa parang ansakit sa ulo isipin na pinasok ko lahat yun. pero kanina ko lang napansing nakakaya ko naman kahit pano. proof na hindi nga Niya ako iniiwan.

start na ng term ko as the vice gov ng college namin. back to teaching na rin ako sa church, namiss ko talaga yung mga bata. kahapon lang uli ako nakapag pakita uli sa adviser namin sa org. i'm planning to be active again. hindi ko kasi maiwan dahil naniniwala din naman ako sa pinapaniwalaan nila, ang tumulong sa kapwa ng walang kapalit. at neto lang i broke up with "him". struggle sakin na hindi isipin yung nangyari pero ala naman ako magawa. durog pa ako but i feel peace as i lift my hand and sing praise to God.

pakiramdam ko kanina kaya ko. hindi dahil sa malakas ako kundi binibigyan Niya ako ng lakas.

hindi ko na lang iniisip na nahihirapan ako dahil single uli ako.
haha. kaso wala na nga ako magagawa kaya lakad na lang uli.

sabi nung pastor namin last time
"if you're looking for a sheep don't look among the goats. and if you really want to see the sheep, talk to the sheperd for He knows His sheeps."

buti na nga lang pwede Siyang kausapin anytime. for free. :)

ayun~ i feel better.
i'll make my self busy na lang.
things will definitely turn ok. ^^

Tuesday, May 25, 2010

sudden~

what does honest happiness means?

who sets the standard of being sad and lonely?
why do we feel weak when everyone around you makes you happy?
does smile speaks it all?
if not then who does?

lead me while holding my hand.
hold me tight cause i'm losing my grip.
you who i never knew, never met... will i?

i miss the life i used to live?
but i kept on realizing which of my lives do i miss most when almost everything in me is fading?

i'm ok.
should be.

Monday, April 19, 2010

tag~

naguguluhan ako. bigala na lang.

bakit nga ba?
bakit bigla na lang?
ang alam ko hindi ako naniniwala sa instant pero eto ako ngayon na parang instant ang middle name.

nakita ko bigla yung pics niya.
ala lang. tinignan ko lang.
ginagawa ko naman talaga yun.
ala naman kasi sakin yun dati.

pero hindi kanina.
para akong sinasampal ng magkabilaan.

naaalala ko pa nung huli kaming nag usap.
nangako ako na balang araw mahihigitan ko siya.
hindi man agad pero hihigitan ko siya.
mayabang kasi ako. at alam ko naman na sanay na siya sakin.

hanggang ngayon hindi pa kami nagkikita.
at hindi ko alam kung magkikita pa nga kami.

busy siya. busibusyhan din naman ako.

hindi ko alam pero bigla ko na lang din naisip kung meron ba akong poor set of judgement.

mokong ko talaga. ngayon ko to lahat naisp kung kelan naihakbang ko na ang mga paa ko ng malayo sa tulad niya.

mokong~

andami ko ng gustong ikwento sa kanya. mataas pa sa kanya sa dami.

lumayo ako hindi dahil ayoko sa kanya kundi ayoko lang na sa twing magkasama kami hindi ako komportable. pero masaya ako. at sana siya rin.
hindi ko lang sigurado dahil lagi namang nakangiti yung taong yun.
trademark na nya.

kung nasan mas siya. alam kong ok lang siya. masaya as usual.
hindi naman kasi yun nawawalan ng kaibigan.

espesyal pa rin siya sakin. bilang kaibigan na nga lang.
hindi naman kasi araw araw makakahanap ng tulad niya.

tama na nga muna. naguguluhan lalo ako.
hindi maganda sa kalusugan ang kumakain ng sariling salita kaya tama na muna.

Tuesday, April 6, 2010

wala na si superman

natutunan ko na para lang sa mga bata ang pagkakaron ng superman. hindi masama kung meron ka sa ngayon pero mas maganda na para sakin ang ako lang ang may kontrol sa sarili ko. :)

nakikita ko pa rin naman siya pero hindi na madalas.
hindi na rin siya lumilipad tulad ng dati.
madaldal pa rin siya at tingin ko yun ang katangian niya na ayokong mawala. :)

wala na si superman pero buhay pa rin yung hamster. :)

not making any sense but it's ok. :)

nakakmiss :)

Thursday, April 1, 2010

i wanna know how to do things right~

i miss the times when everything is simple.

Friday, March 26, 2010

kung pwede lang kitang hilingin sa langit...

kaya lang may hinihilinh ka din sa kanya.

sakto lang~

aus~

hindi lahat ng inaapi ay kawawa. yung iba hindi lang nila namamalayan na pinangungunahan lang sila ng pagiging makasarili nila kaya akala nila wala na silang kakampi.

period.

hindi natatapos ang pagiging pinuno ng isang leader ng dahil lang sa pagod na siya o ayaw na niya. hanggat may naniniwala at nagtitiwala mananatili kang tagapanguna. ~ry

Wednesday, March 17, 2010

(sigh)

bago man lang matapos ang 2 oras ko dito sa comp shop a iabot ang natitira kong 30 pesos sa batang maliit na taga bantay ng shop na to. naisip ko magpost man lang.

andami kong gusto ikwento kaya lang baka uso din dito yung paghuhugas ng pinggan pag hindi nakapag bayad ng sapat. kaya kung ano na lang maabot ng isip ko.

may mga hindi ako inaasahang mangyari pero sakto lang. wala naman ako magagawa sa mga yun dahil nangyari na.

makalipas ang maraming linggo at buwan pa ata na lumipas na hindi ko man lang inopen ong blog ko marami na ang nadagdag sa mga kaibigan ko. me ilan na rin syempre ang nawala.

since eto na ang topic na biglang nag pop sa isip ko, may makkwento na ako ng may dereksyon.

mahilig ako makipag kaibigan pero hindi lahat itinatabi ko sa puo ko. may mga ilan lang na pinagkakatiwalaan ko ng pagkatao ko.

isa na dun si angelica mae mae joy rose ann bernadette marilyn jane mendoza y borlongan. anggelica lang talaga name nya. angelica lang at wala ng kasunod pa.

best friend ko sya. as in. pero noon yun. mga 2 linggo na nakaraan. grabe, hindi ko inaasahan na lalayo sya ng hindi ko man lang alam ang dahilan. sobrang mahal ko siya hindi dahil sa tomboy ako at baka halikan ko ang kahit sinong magiisip ng ganun tungkol sakin.

sobrang laki ng naitulong nya sakin sa maraming aspeto. financial, emotional, physical, mental... lahat na siya ang kasama ko. hindi kompleto ang araw ko na hindi ko siya kasama. para na nga kaming kambal e. at ganun na rin ang tingin samin ng mga taong nakapalibot samin.

pero ngayon, eto ko. hirap mag adjus. siya? mukang ok naman. may mga bagong kasama. gusto ko man siya itakbo at ibalik ang dati.hindi pwede.

hinding hindi ko siya ilalayo sa mga bagay na mag papasaya sa kanya. ang kaya ko lang gawin ay tignan siya na masaya. suporta at manatiling andito pag kailangan nya.

isang linggo akong hirap tapos yung isang linggo medjo pinilit ko masanay. kaya eto ako ngayon. naninibago pero kailangan maging normal.

sayang lang kasi akala ko magtatagal yung pagiging magkapatid namin. hindi ako o.a. ganto ko lang tlaga siya kamahal.

kung sana lang nababalik ang lahat.

ayus lang~ ayos lang dapat.
tuloy lang. kaya ko pa naman maglakad.

(medjo lasing ako.)

Friday, January 22, 2010

from someone i do not really know~

Without pride we lack backbones.

hmmm. parang gusto tuloy kita makausap talaga.

Sunday, January 17, 2010


"Will I" from RENT

Tye | MySpace Video

Wednesday, January 13, 2010

stop. dont. no.

these words may be all negatives but they remind me that i should not let my emotions take over all of me.

fantasies? stop.
give too much? dont.
doubt and anger? no.

i guess i'll stick to these words 'til i'm ok.
completely ok.

pride

pride may be one of the seven deadly sin
but just like other circumstances
it saves me from sure breakdown.

Sunday, January 10, 2010

unconditional love. good for your heart. :)


after ng maraming paghhanda at hussle na sulit din dahil parang naging adventure lahat, the feeding program was succesful! :)
sobrang excited na the day before the events palang kahit na may mga hindi ganong napaghandaang mga bagay. salamat sa mga maddiskarte kong ka YeaMalolos at nasolve lahat. :)
6 am ang call time. mayabang yung kasama ko, maagang nagising at nauna pa saking umalis ng bahay. natuklasan ko na may pagka paniki pala siya. ewan ko ba dun. haha.

anyway back to the event. andaming volunteer na nagsidating. lahat handang tumulong at yung ilan gusto na nga atang humablot ng kahit sino sa daan para maumpisahan na ang pagpapakain. XD
ramdam ang volunteerism sa lahat ng parte. inshort sobrang nakakataba ng puso.


nagstart na uling kumilos ang lahat at ginawa na ang mga kanya kanyang task. hindi ko nga ganong naramdaman ang pagod dahil suliiiiit na suliiiit sa mga ngiting ibinibigay ng mga napapakain namin. :) at syempre dahil na rin sa mga kasama kong alang humpay sa pagpapangiti sa akin. ^^



sa kada abot ng pagkaing maihahandog namin mas lalo ko naisip at nasabi sa sarili ko na maswerte pa pala talaga kami. kahit na may mga pagkakataong hirap talaga... magagawa ko pa rin palang magpasalamat dahil may mga taong mas hirap pa sakin. mga taong mas kapos ngunit hindi sa ngiti.

noon ko pa pangarap magsponsor ng feeding program. pero hindi ko pa kaya ngayon dail ala pa akong sapat na pera. pero sa pagtulong ko na to, kahit pano pakiramdam ko akin na rin yung feeding program na to.

technically hindi nga sya feeding program dahil isang umaga lang namin ginawa. pag sinabing feeding program ay buwan dapat ang abutin ng pagpapakain. kung saan imomonitor ang timbang ng mga papakainin. pero ok lang. walang kapantay ang pagtulong na to. :)


kapag talaga kaya ko na... buong puso ko ilalaan ang sarili ko sa mga ganitong pagtulong. kahit na sa simpleng mga ganito kasi alam ko naipaparamdam ko sa kanila na hindi pa rin sila nakakalimutan ng nasa itaas. hindi kailan man.

sobrang gusto ko makatulong. sobra. wala man sa hitsura ko pero pakiramdam ko nakukumpleto ng mga ganitong gawain ang pagkatao ko. hindi lahat ng tao may puso sa mga ganitong bagay. kaya maswerte ako na naimulat ang mata ko sa mga bagay na akala ng iba hindi na dapat pa pinagaaksayahan ng panahon.

wala akong naibigay ni singkong duling sa pondong nagamit. pawis ko lang at oras. pasensya at pag unawa. puso at sinseridad.


alam ko hindi pa to matatapos. hindi ako papayag na huli na to. sana sa mga susunod na pagkakataon mas marami pa kaming may ganitong pananaw sa pagtulong. may parehong pagtingin sa tunay na ibig sabihin ng pagmamahal na walang kapalit. alam ko anjan lang sila. kailangan lang naming magkita kita. :)


salamat unang una kay Lord na kahit minsan hindi nangiwan. :)
salamat sa nanay ko na laging sumusuporta. :)
malaking pasasalamat sa YeaMalolos sa pag gising sakin at pag mamalasakit na maunawaan ang dati'y akala kong hindi naman kailangan.

sa tatlong taong espesyal sakin sa YM. ^^
sa mga tumulong at umalalay sakin mula sa pagpplano at pagpapatupad ng pagpapakaing ito. sobrang napasaya nyo ko. :)
salamat sa mga naniwala at nagtiwala sa kin.
sa nag alis ng pagod ko.
sayo.
sa lahat.
salamat. ^^

sa susunod ulit. sa mas malaking pagpaparamdam ng pag ibig na walang kapalit. :)