Wednesday, October 20, 2010

superhero :)

Sana lahat na lang ng tao swabe

Mag isip hanggang sa mga sinasabi…

Wala ng masungit at lahat nanlilibre

Kahit san lumingon mga muka ay nakangiti…


Sana lahat kaya kapag ikaw ang katabi

Walang hassle, lahat ay pwede

Hahawakan ang kamay mo buong gabi

Lahat ng naiisip ay masasabi


Pero sana wag mo munang isipin ang bigat

Kapag di na kaya, ako ang haharap

Hayaang hangin ang magdala ng lahat

Tsaka ko tatanggalin ang hirap


Ako ng bahala sayo

Ililigtas kita kapag mundo mo’y gumuho

Ipikit mo lang mga mata mo

Lilipad tayo, ililipad kita sa malayo


Bukas pag dilat ng mga mata

Hindi ka na sisimangot, buburahin ko na ang lungkot

Kaya huwag ka ng matakot

Hindi naman hihito ang mundo sa pag ikot.


Ako na muna ang iyong superhero.


~ry

0 comments: