Wednesday, March 17, 2010

(sigh)

bago man lang matapos ang 2 oras ko dito sa comp shop a iabot ang natitira kong 30 pesos sa batang maliit na taga bantay ng shop na to. naisip ko magpost man lang.

andami kong gusto ikwento kaya lang baka uso din dito yung paghuhugas ng pinggan pag hindi nakapag bayad ng sapat. kaya kung ano na lang maabot ng isip ko.

may mga hindi ako inaasahang mangyari pero sakto lang. wala naman ako magagawa sa mga yun dahil nangyari na.

makalipas ang maraming linggo at buwan pa ata na lumipas na hindi ko man lang inopen ong blog ko marami na ang nadagdag sa mga kaibigan ko. me ilan na rin syempre ang nawala.

since eto na ang topic na biglang nag pop sa isip ko, may makkwento na ako ng may dereksyon.

mahilig ako makipag kaibigan pero hindi lahat itinatabi ko sa puo ko. may mga ilan lang na pinagkakatiwalaan ko ng pagkatao ko.

isa na dun si angelica mae mae joy rose ann bernadette marilyn jane mendoza y borlongan. anggelica lang talaga name nya. angelica lang at wala ng kasunod pa.

best friend ko sya. as in. pero noon yun. mga 2 linggo na nakaraan. grabe, hindi ko inaasahan na lalayo sya ng hindi ko man lang alam ang dahilan. sobrang mahal ko siya hindi dahil sa tomboy ako at baka halikan ko ang kahit sinong magiisip ng ganun tungkol sakin.

sobrang laki ng naitulong nya sakin sa maraming aspeto. financial, emotional, physical, mental... lahat na siya ang kasama ko. hindi kompleto ang araw ko na hindi ko siya kasama. para na nga kaming kambal e. at ganun na rin ang tingin samin ng mga taong nakapalibot samin.

pero ngayon, eto ko. hirap mag adjus. siya? mukang ok naman. may mga bagong kasama. gusto ko man siya itakbo at ibalik ang dati.hindi pwede.

hinding hindi ko siya ilalayo sa mga bagay na mag papasaya sa kanya. ang kaya ko lang gawin ay tignan siya na masaya. suporta at manatiling andito pag kailangan nya.

isang linggo akong hirap tapos yung isang linggo medjo pinilit ko masanay. kaya eto ako ngayon. naninibago pero kailangan maging normal.

sayang lang kasi akala ko magtatagal yung pagiging magkapatid namin. hindi ako o.a. ganto ko lang tlaga siya kamahal.

kung sana lang nababalik ang lahat.

ayus lang~ ayos lang dapat.
tuloy lang. kaya ko pa naman maglakad.

(medjo lasing ako.)

3 comments:

mr.yoso said...

Simple lang naman dapat mong gawin diba? Kung talagang importante sayo yung tao gagawa ka ng paraan para hindi siya mawala. Hindi dahilan ang sobrang busy ka. Kailangan mo lang mag effort. =)

mr.yoso said...

Kung totoong mahalaga sa iyo yung tao, gagawa ka ng paraan diba? Hindi yung magdadrama ka lang sa isang sulok habang lumalayo na sila. =)
Hindi dahilan ang pagiging busy. Ang totoo kasi tinatamad lang tayo mag effort. =) Sana maayos niyo yan.

selfish jellyfish said...

ahaha. kung minsan mas masarap talaga ang mag comment. :)

hindi ko kasi kayang isalin sa salita yung efforts na ginawa, ginagawa ko para mabalik siya.

hindi ko na lang siguro ipapaliwanag.
ang alam ko sobrang mahalaga siya at ginawa ko na ang lahat.

salamat kapatid! :)