kapag nasa malayo ka na hindi ka na basta basta makakabalik kahit gustohin mo man.
kapag malayo ka na kailangan mong turuan ang sarili mong maging mas matatag.
kapag hindi ka na tanaw huwag mong kalimutang pwede pa rin namang lumingon.
at kapag malungkot ka na, isipin mong mas masarap maranasan ang saya kapag dumaan ka sa pag luha.
kapag tinanggap mo na at inihakbang ang mga paa
nakalayo ka nga pero hindi mo naialis ang sarili mo sa pinagmulan.
kapag hindi mo na kaya hindi bat yung mga nagdaan pa rin ang mainam na balikan?
kapag pakiramdam mo wala na ako
ipikit mo lang ang mga mata mo at doon magsasama tayo.
kapag akala mo ikaw ang nawala isipin mo ulit baka ikaw pala ang napabayaan.
kapag sa tingin mo ang ilang bagay ay wala ng patutunguhan
huminga ka lang ng malalim at tumingin ulit sa nilalakaran.
huminga ng malalim ng paulit ulit
hanggang sa maalala mong ikaw lang din ang sa buhay mo'y susulit.
Thursday, August 19, 2010
ingat.
Posted by selfish jellyfish at 6:03:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





1 comments:
olats, nagpapaalam? Haha. Parang lalayo ka na ah. hehe. Anong kaganapan iyan?
Post a Comment