naguguluhan ako. bigala na lang.
bakit nga ba?
bakit bigla na lang?
ang alam ko hindi ako naniniwala sa instant pero eto ako ngayon na parang instant ang middle name.
nakita ko bigla yung pics niya.
ala lang. tinignan ko lang.
ginagawa ko naman talaga yun.
ala naman kasi sakin yun dati.
pero hindi kanina.
para akong sinasampal ng magkabilaan.
naaalala ko pa nung huli kaming nag usap.
nangako ako na balang araw mahihigitan ko siya.
hindi man agad pero hihigitan ko siya.
mayabang kasi ako. at alam ko naman na sanay na siya sakin.
hanggang ngayon hindi pa kami nagkikita.
at hindi ko alam kung magkikita pa nga kami.
busy siya. busibusyhan din naman ako.
hindi ko alam pero bigla ko na lang din naisip kung meron ba akong poor set of judgement.
mokong ko talaga. ngayon ko to lahat naisp kung kelan naihakbang ko na ang mga paa ko ng malayo sa tulad niya.
mokong~
andami ko ng gustong ikwento sa kanya. mataas pa sa kanya sa dami.
lumayo ako hindi dahil ayoko sa kanya kundi ayoko lang na sa twing magkasama kami hindi ako komportable. pero masaya ako. at sana siya rin.
hindi ko lang sigurado dahil lagi namang nakangiti yung taong yun.
trademark na nya.
kung nasan mas siya. alam kong ok lang siya. masaya as usual.
hindi naman kasi yun nawawalan ng kaibigan.
espesyal pa rin siya sakin. bilang kaibigan na nga lang.
hindi naman kasi araw araw makakahanap ng tulad niya.
tama na nga muna. naguguluhan lalo ako.
hindi maganda sa kalusugan ang kumakain ng sariling salita kaya tama na muna.





5 comments:
Madalas naman nasa huli pagsisisi natin hindi ba?
Siguro unti-unti kang pumapasok sa mas malawak na pag-iisip, na mga hindi mo kaya maunawaan noon, unti-unti mo na narerealize.
taong virus do you really exist?? hahaha~
actually isa yan sa mga tinatanong ko palagi sa sarili ko~
Do we exist? Malay natin?
Baka mga kathang isip lang tayo na nasa isang aklat na binabasa ngayon.
O kaya imahinasyon tayo lahat sa utak ng isang writer.
Buhay nga ba talaga tayo? Paano natin mapapatunayan?
Virus nga ba ako o bacteria na tinubuan ng kamay para makapag blog tungkol sa buhay ng isang virus. :)
Haha.
hahaha. mahuhuli din talaga kita. humanda ka! :P
naku-naku, sino bang tao nasa matinong pag-iisip eh ninanais na makahuli ng virus? ahahahaha.
Post a Comment