Tuesday, April 12, 2011

padaan.

sobrang tagal na pala nung last na nag update ako ng blog ko. tindi din kasi ng impluwensya ng facebook. all in na kasi. yung tipong hindi ka na nya hahayaang lumipat pa sa ibang site kasi jam packed na din naman sya. parang halo halo at pinakbet. all in. pero syempre iba pa rin ang dating pag blog. mundo mo to e. ikaw ang talagang boss. yun nga lang ikaw lang din ang empleyado. anyway, hindi ko alam kung bakit pero dis oras na ng gabi nagparamdam pa tong blog ko kaya nga ako nauwi dito. bakasyon na. yes! sa wakas. dalawang araw na kong nakapirmi lang sa bahay. as of now wala pa namang masamang nagiging reaksyon sa katawan ko ang pagiging home buddy dahil minsan ko lang to gawin. literal. straight two days sa bahay lang? achievement. hindi naman magtatagal to dahil sa huwebes tyak na yung lakad ko sa ipo dam. sa ngayon medjo bored ako. kahit napakadami kong pinagkakaabalahan hindi ko malaan bakit inip na inip pa din ako. maghapong kakain, manunood ng tv, kung san san na gala, text, laro. wa epek. me kung ano pa rin akong gustong gawin. ewan ko ba. gusto lang siguro ng bago. yung kakaiba. mga tipong pag nagawa ko e hindi ko na uulitin. ganun ka extreme sana. anyway, siguro naman maaaliw na uli ako. start na naman kasi ng summer job ko sa 25. hanggang pasukan na yun. new friends na naman. sana. me pagka extreme naman mag id sa bsu. lalo na pag peak season. pati init ng ulo mo masasaad. pero ok na rin hindi na rin ako sanay na pirmi lang sa bahay habang dinadama ng buong puso ang alinsangan ng panahon. ramdam ko mas magiging kakaiba tong summer na to. hindi ko lang alam kung bakit. siguro kasi... hindi ko talaga maisip. yun na lang muna siguro. namiss ko to. yung mag blog kahit labulabo lang naman mga natype ko. kahit alam ko na kung sino yung nagpapaka misteryoso. lumalalim na ang gabi. makapag post na sa fb at matulog.

0 comments: