Wednesday, June 1, 2011

idaan mo sa tula


kanina bago ako pumasok naisip kong me gawing kakaiba.
mabigyan nga sya ng kung ano lang para naman makabawi at makita syang masaya.
nalate ako dahil dito kaya yari lang talaga pag hindi ko pa nagawa.
hindi bale na. wala naman sigurong mawawala.

kanina bago ako kumain naisip ko kung ibibigay ko na ba?
wag na nga lang muna. paniguradong abala sya.
kaya sinubo ko na muna yung kanin na may ginataang sitaw at kalabasa.
sarap pala. pakiramdam ko hindi nakakataba.

kanina bago ako umuwi naisip kong eto na talaga.
pinuntahan ko na sya at hindi ko alam bakit pero nakakakaba.
ayun nakita ko na sya! pero me kausap pang iba.
makaupo na nga lang muna habang nag uusap pa sila.

kanina nung naibigay ko nakakahawa yung mga ngiti nya.
kinakabahan ako nung una baka hindi sya matuwa.
pero ayun nung sinilip na yung paper bag ngumiti pati mga mata.
basta binigay ko lang. nag paalam at ng makauwi na.

kanina bago ko sumakay ng karatig, inhale exhale muna.
mission accomplished. ang galing ko talaga. haha.
baka hindi na to maulit kaya ginawan ko na ng tula.
isip ako ng isip hindi ko napansin naku lagpas na pala ko. mama para!

0 comments: