Friday, January 22, 2010

from someone i do not really know~

Without pride we lack backbones.

hmmm. parang gusto tuloy kita makausap talaga.

Sunday, January 17, 2010


"Will I" from RENT

Tye | MySpace Video

Wednesday, January 13, 2010

stop. dont. no.

these words may be all negatives but they remind me that i should not let my emotions take over all of me.

fantasies? stop.
give too much? dont.
doubt and anger? no.

i guess i'll stick to these words 'til i'm ok.
completely ok.

pride

pride may be one of the seven deadly sin
but just like other circumstances
it saves me from sure breakdown.

Sunday, January 10, 2010

unconditional love. good for your heart. :)


after ng maraming paghhanda at hussle na sulit din dahil parang naging adventure lahat, the feeding program was succesful! :)
sobrang excited na the day before the events palang kahit na may mga hindi ganong napaghandaang mga bagay. salamat sa mga maddiskarte kong ka YeaMalolos at nasolve lahat. :)
6 am ang call time. mayabang yung kasama ko, maagang nagising at nauna pa saking umalis ng bahay. natuklasan ko na may pagka paniki pala siya. ewan ko ba dun. haha.

anyway back to the event. andaming volunteer na nagsidating. lahat handang tumulong at yung ilan gusto na nga atang humablot ng kahit sino sa daan para maumpisahan na ang pagpapakain. XD
ramdam ang volunteerism sa lahat ng parte. inshort sobrang nakakataba ng puso.


nagstart na uling kumilos ang lahat at ginawa na ang mga kanya kanyang task. hindi ko nga ganong naramdaman ang pagod dahil suliiiiit na suliiiit sa mga ngiting ibinibigay ng mga napapakain namin. :) at syempre dahil na rin sa mga kasama kong alang humpay sa pagpapangiti sa akin. ^^



sa kada abot ng pagkaing maihahandog namin mas lalo ko naisip at nasabi sa sarili ko na maswerte pa pala talaga kami. kahit na may mga pagkakataong hirap talaga... magagawa ko pa rin palang magpasalamat dahil may mga taong mas hirap pa sakin. mga taong mas kapos ngunit hindi sa ngiti.

noon ko pa pangarap magsponsor ng feeding program. pero hindi ko pa kaya ngayon dail ala pa akong sapat na pera. pero sa pagtulong ko na to, kahit pano pakiramdam ko akin na rin yung feeding program na to.

technically hindi nga sya feeding program dahil isang umaga lang namin ginawa. pag sinabing feeding program ay buwan dapat ang abutin ng pagpapakain. kung saan imomonitor ang timbang ng mga papakainin. pero ok lang. walang kapantay ang pagtulong na to. :)


kapag talaga kaya ko na... buong puso ko ilalaan ang sarili ko sa mga ganitong pagtulong. kahit na sa simpleng mga ganito kasi alam ko naipaparamdam ko sa kanila na hindi pa rin sila nakakalimutan ng nasa itaas. hindi kailan man.

sobrang gusto ko makatulong. sobra. wala man sa hitsura ko pero pakiramdam ko nakukumpleto ng mga ganitong gawain ang pagkatao ko. hindi lahat ng tao may puso sa mga ganitong bagay. kaya maswerte ako na naimulat ang mata ko sa mga bagay na akala ng iba hindi na dapat pa pinagaaksayahan ng panahon.

wala akong naibigay ni singkong duling sa pondong nagamit. pawis ko lang at oras. pasensya at pag unawa. puso at sinseridad.


alam ko hindi pa to matatapos. hindi ako papayag na huli na to. sana sa mga susunod na pagkakataon mas marami pa kaming may ganitong pananaw sa pagtulong. may parehong pagtingin sa tunay na ibig sabihin ng pagmamahal na walang kapalit. alam ko anjan lang sila. kailangan lang naming magkita kita. :)


salamat unang una kay Lord na kahit minsan hindi nangiwan. :)
salamat sa nanay ko na laging sumusuporta. :)
malaking pasasalamat sa YeaMalolos sa pag gising sakin at pag mamalasakit na maunawaan ang dati'y akala kong hindi naman kailangan.

sa tatlong taong espesyal sakin sa YM. ^^
sa mga tumulong at umalalay sakin mula sa pagpplano at pagpapatupad ng pagpapakaing ito. sobrang napasaya nyo ko. :)
salamat sa mga naniwala at nagtiwala sa kin.
sa nag alis ng pagod ko.
sayo.
sa lahat.
salamat. ^^

sa susunod ulit. sa mas malaking pagpaparamdam ng pag ibig na walang kapalit. :)